Kilalanin ang mga matagumpay na anak ni Coney Reyes

Kilalanin ang mga matagumpay na anak ni Coney Reyes

- Si LA Mumar at Carla Mumar ay parehong motivational speakers at sila ay matagumpay sa larangang ito

- Ang bunsong anak ni Coney Reyes na si Vico Sotto ay Mayor naman ng Pasig City

- Nakuha ni Vico ang pagiging politiko sa tiyuhing senador na si Senator Tito Sotto

- Sulit ang hirap ni Coney sa pagpapalaki ng mga anak dahil sa kanilang tagumpay sa buhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ang tatlong anak ni Coney Reyes na sina LA Mumar, Carla Mumar at Vico Sotto ay pawang matagumpay sa kanilang piniling karera.

Sa panulat ni Felix Ilaya para sa Celebrity Life ng GMA Entertainment, ibinahagi nito ang buhay ngayon ng mga anak ni Coney at ang kanilang mga ginagawa sa kasalukuyan.

Sina LA at Carla ay mga anak niya sa dating asawang namatay na PBA basketball player na si Larry Mumar. Habang si Vico naman ay anak niya sa komedyanteng si Vic Sotto.

Ang panganay na si LA Mumar, ay isang motivational speaker at coach ng basketball. Siya ay graduate ng Ateneo de Manila University sa kursong Developmental Studies.

Masaya at tahimik na namumuhay ngayon ang eldest son ni Coney kasama ang asawang si Macey Mumar at kanyang tatlong anak na lalaki na sina Lorenzo, Mateo at Alejandro.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

CEO at founder naman si Carla ng SCALE – isang organisasyon na tumutulong sa mga mangagawa ng iba’t-ibang industriya. Gaya ni LA, magaling na motivational speaker din si Carla at ito ang ginagamit niya para tulungan ang mga mangagawa na palawigin ang kaalaman nila sa kanilang trabaho.

Si Vico na bunsong anak ni Coney ay nanalong Mayor ng Pasig City noong nakaraang taon. Nakuha din ng batang Sotto ang pagkahilig sa politika sa tiyuhin na si Senator Tito Sotto.

Ang 30-year-old na Mayor ng Pasig ay binata pa hanggang sa kasalukuyan.

Sa huling ulat ng KAMI, matatandaang ayaw ni Vico Sotto sa girlfriend na pasaway at inilahad niya ang mga gusto sa isang babae.

Lahat ng tagumpay ng magkakapatid ay dahil sa pagsisikap, kabutihan at pagtaguyod ng kanilang inang si Coney.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Have you experienced having someone from work who's married and still wants to flirt with you? Let's check out this video and help out by sending your comments on our YouTube Channel.

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel