Pinay na nagpanggap na buntis, inireklamo at binawian ng ex-BF na foreigner

Pinay na nagpanggap na buntis, inireklamo at binawian ng ex-BF na foreigner

- Isang dayuhan ang dumulog sa programa ni Raffy Tulfo para humingi ng tulong

- At tulad ng ilang nauna, reklamo sa nobyang Pinay ang idinulog ng foreigner na mula sa Poland na si Lucas Gawin

- Ayon dito, nais nitong mabawi ang perang hiningi ng ex-GF na nanloko raw sa kanya

- Nangpanggap daw kasi itong buntis para makahingi sa kanya ng pera

- Pero depensa naman ng inirereklamo, natakot lang daw siya nang mga panahong iyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang dayuhan ang dumulog sa programa ni Raffy Tulfo para ireklamo ang Pinay na dati nitong nobya.

Ayon kay Lucas Gawin na mula pa sa Poland, niloko at pinerahan daw siya ng ex na si Joyce Ann Navallo.

Kaya naman nais niyang mabawi mula rito ang perang naibigay na nagkakahalaga ng P70,000.

Hindi raw kasi naging tapat sa kanya ang babae at nagpanggap pa raw na buntis para makahingi ng pera. Ang masaklap pa, bigla na lang daw itong naglaho hanggang sa madiskubre na lang niya na hindi ito totoong buntis.

Pero depensa naman ni Navallo, natakot lamang siya noon kaya siya nagpanggap na nagdadalang-tao.

Babayaran din naman daw niya ang perang hinihingi ni Gawin ngunit dapat daw na harapin siya nito sa Cebu kung saan siya naninirahan.

Inireklamo rin ng dalaga ang pang-ha-hack diumano ni Gawin sa kanyang mga social media account na itinanggi naman ng huli.

Pinipilit din diumano siya ng lalaki na muling sumiping dito na itinanggi rin ni Gawin.

Anito, inireklamo na rin siya ng lalaki roon at nakatanggap na ng subpoena.

Pero ayon kay Gawin, hindi na siya naniniwala kay Navallo dahil ilang beses na raw siya nitong pinaasa.

Ayaw na sana nitong pumunta pa sa Cebu ngunit nahikayat din ito ni Raffy Tulfo sa pangakong sasamahan ito ng kanilang team.

Sabi ni Gawin, handa naman siyang patawarin ang dating nobya ngunit hindi madaling tanggapin ang ginawa nitong panloloko sa kanya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Welcome to a new edition of our “Tricky Questions Celebrities” feature! This time, we will try to find out if these people will recognize famous celebrities through their smiles. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel