Dyaryo noong 1965, ipinakita ang nakagigimbal na pinsala ng pagsabog ng Taal noon

Dyaryo noong 1965, ipinakita ang nakagigimbal na pinsala ng pagsabog ng Taal noon

- Binahagi ng isang netizen ang kopya ng The Manila Times noong 1965 na naitago pa ng kanyang ama

- Doon, makikita ang mga detalye ng kaganapan sa pagsabog ng Taal sa taong yaon na kumitil daw sa libo-libong buhay

- Ang nakakakilabot pa rito, may ilan na nailibing nang buhay at natabunan na lamang ng makakapal na abong ibinuga ng Taal

- Nilarawan pa ang Taal na "real killer", kaya naman patunay lamang ito na isa sa pinaka-mapinsalang bulkan sa mundo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang netizen ang nakapagbahagi ng pahayagang The Manila Times mula noong 1965 kung kailan naganap din ang matinding pagsabog ng Bulkang Taal.

Sa Facebook post ni Derik Cumagun, ipinakita niya ang mga larawan ng kaganapan ng pagputok ng Taal na kumitil daw sa libo-libong buhay noon.

Nakakikilabot ang laman ng halos sira-sira nang pahina ng dyaryo ngunit patunay lamang daw ito kung gaano katindi ang maaring pinsalang maidulot ng isa sa pinaka-mapinsalang bulkan sa mundo.

Ang ilang netizens pa na nakakita ng viral post ay nagsabing may mga kamag-anak sila na natabunan ng buhay dahil sa tindi ng pangangalit noon ng bulkan.

Halos kada limang minuto raw ang malalakas na pagbuga nito kaya naman ganoon na lamang ang tindi ng pinsalang naidulot nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bagaman at ang mga modernong datos ay nagsasabing nasa 200 lamang ang namatay sa panahong iyon, tila kapani-paniwala rin ang mga naiulat sa mismong panahon na naganap ang matinding pagsabog ng Taal.

Kasalukuyang nakataas pa rin sa alert level 4 ang Taal Volcano kaya naman inaasahan pa rin ang maaring matinding pagsabog na maganap anumang oras o araw.

Hiling na lang ng marami na sana'y di na maulit ang mga nakakagimbal na kaganapan noong 1965.

Mainam na mag-ingat at sundin ang mga paalala ng awtoridad patungkol sa mga dapat gawin sa ganitong di maiiwasang pagkakataon gaya ng pagputok ng Taal.

Narito ang kabuuan ng post:

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica