Matindi to! Kabit, matapang na hinarap si orig sa programa ni Raffy Tulfo

Matindi to! Kabit, matapang na hinarap si orig sa programa ni Raffy Tulfo

- Naging mainit ang batuhan ng mga salita sa pagitan ng isang legal na asawa at ng kabit ni mister

- Una nang idinulog ni misis ang reklamo sa putol-putol na sustento ni mister

- Ngunit tila lumala pa ang sitwasyon nang iharap ni mister si kabit sa kanyang original na misis

- Naging hati naman ang opinyon no Raffy Tulfo sa sitwasyon ng mga ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Mainit at maaanghang na salita ang namagitan sa isang legal na asawa at sa kabit ng mister nito.

Una nang idinulog ng ginang si Frances Elecanal ang reklamo laban sa mister na si Alejandro Elecanal na putol-putol daw ang sustento, sa programang Wanted sa Radyo.

Ngunit tila muli lang nabuhay ang sugat sa puso ni misis at mas lumala lang ang sitwasyon nang isama ni Alejandro ang bago nitong kinakasama na si Gene Tropero.

Noong una kasi ay humihingi na lamang ng P200K si Frances at nangakong hindi na muling manggugulo at maghahabol ng sustento kay mister, bagay na hindi nagustuhan ni Raffy Tulfo.

Ngunit ayon sa batas, maaaring maging settlement nga ito ng dalawa ngunit hindi sa batas at maituturing na labag sa batas.

Hindi kasi pwedeng ikompromiso ang hinaharap ng anak ng mag-asawa sa halagang dinemand ni Frances.

Hindi rin daw sang-ayon dito si Alejandro dahil nangangamba ito sa magiging relasyon nito sa mga anak.

Sa huli, nagdesisyon si Frances na kasuhan na lamang ang dalawa dahil sa panloloko sa kanya.

Pero kay idol tila "too late" na ito lalo pa at matagal palang hiwalay ang dalawa at nagkaroon na rin ng ibang karelasyon si misis.

Kaabang-abang naman ang susunod na episode nito na tinututukan na rin ng mga netizens.

The video of the story is here.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel