Bombero, halos ikamatay ang naiwang popcorn sa ngipin niya sa loob ng tatlong araw
- Kakaiba ang naging karanasan ng isang lalaki sa UK matapos niyang kumain ng popcorn sa sinehaan kasama ang asawa niya
- Ayon sa lalaki, may naiwan daw na popcorn sa ngipin niya at umabot ito ng tatlong araw rito dahil mahirap tanggalin
- Nagkaron ng impeksyon ang lalaki at kinailangan niya pang sumailalim sa 7 oras na operasyon para rito
- Kung hindi agad naagapan ay posibleng ikamatay ng lalaki ang impeksyon na nakuha niya
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Tila hindi naging madali para sa isang bombero sa UK ang karanasan niya nang may maiwang popcorn na nakasiksik sa ngipin niya matapos nilang manood ng sine ng asawa niya.
Nalaman ng KAMI na nagkaroon ng impeksiyon ang bumbero na si Adam Martin at kinailangan niya pang sumailalim sa halos 7 oras na operasyon para ito.
Ayon sa ulat ng Fox News, ang 41-anyos na lalaki ay nahirapan tanggalin ang popcorn na naipit sa ngipin niya sa loob ng tatlong araw.
Kung anu-anong mga gamit na ang sinubukan niya tulad ng toothpick, takip ng ballpen, wire, at kahit na ang pako. Subalit, hindi pa rin siya nagtagumpay tanggalin ang tinga niya.
Hindi nagtagal ay nakaramdam na siya ng sakit sa ngipin pero hinayaan niya lang ito. Matapos ang isang linggo, sumasakit na ang ulo niya, nagpapawis na siya, at nakakaramdam na rin siya ng matinding pagod.
“I had a feeling there was something seriously wrong. I was sleeping an awful lot and I felt terrible,” sabi ni Martin.
“I had aches and pains in my legs and I just did not feel right at all. I was admitted to hospital the same day for tests. By this point, I was very worried,” dagdag niya pa.
Ang mga sintomas na ito ay dala ng tinatawag na endocarditis. Ito ay nakukuha sa mikrobyo mula sa ibang parte ng katawan tulad ng bibig at kakalat ito sa tinatawag na bloodstream. Sa pagkalat nito, maaaring makaapekto ito sa puso ng tao.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
“The infection had eaten my heart valves completely. At one point it was quite touch and go. It was the worst experience of my life,” giit nito.
“I wasn’t far off death’s door and I am extremely lucky. The popcorn stuck in my teeth is the only possible cause I can think of. I am never eating popcorn again that’s for sure,” dagdag niya pa.
Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!
Source: KAMI.com.gh