Tatay Alex, naging maayos na ang pamumuhay ngunit tuloy pa rin daw ang kaso kay "Linda"

Tatay Alex, naging maayos na ang pamumuhay ngunit tuloy pa rin daw ang kaso kay "Linda"

- Kinumusta ng programa ni Raffy Tulfo ang nag-viral na driver na si Alexander Gutal na napagbintangang nanghipo ni alyas "Linda"

- Maayos na ang tinatakbo ng negosyo na binigay sa kanila ni Idol Raffy at ng naging abogado nilang si Atty. Villamor

- Malayo sa dati niyang kinikita ang nakakalulalng halaga na pumapasok sa kanilang pamilya sa loob lamang ng isang buwan

- Ngunit di pa rin daw niya makakalimutan ang pagkamit ng hustisya sa ginawa sa kanya ni alyas Linda

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa pagpasok ng taong 2020, muling kinumusta ng programa ni Raffy Tulfo ang isa sa naging kontobersyal na kaso ng nakaraang taon na kinabibilangan ng driver na si Alexander Gutal at si alyas Linda.

Matatandaang si Tatay Alex ang pinagbingtangan ni "Linda" na nanghipo di umano sa kanya sa sinasakyang e-jeep.

Dahil sa pagbibintang na ito, nabugbog ng walang laban ang kaawa-awang tsuper na dumulog kay Tulfo.

Ngayon, ibang-iba na ang buhay ni Tatay Alex dahil sa negosyong ipinagkaloob ng Tulfo at ng abogadong tumulong sa kanya na si Atty. Villamor.

Nalaman ng KAMI na nasa ₱80,000 na ang kinikita nila ng kanyang anak na si Xian sa loob lamang ng 3 linggo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Napakalaking tulong nito sa kanialng pamilya lalo pa at matindi pala ang hirap na kanilang pinagdaanan noon.

Dumating pa raw sa punto na kailangan nilang magkalkal ng basura para lamang may makain. Maluha-luhang ikinuwento ito ng kanyang anak na si Xian.

Kaya naman laking pasalamat ni Tatay Alex sa kanyang Idol Raffy na di lamang sumubaybay sa kanyang kaso kundi binigyan pa siya ng maayos na mapapagkakitaan.

Nagpasalamat din siya kay Atty. Villamor sa pagbibigay nito ng oportunidad na mabago ang kanilang pamumuhay dahil sa magandang kita sa pinagkaloob na negosyo.

Ngunit sa kabila ng tinatamasang tagumpay, di raw makakalimutan ni Tatay Alex na kamtin ang hustisya sa ginawa sa kanya ni alyas "Linda."

Narito ang kabuuan ng panayam kay Tatay Alex at sa kanyang anak na si Xian:

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel