Pumanaw na bata, pinaniwalaan ng pamilya na muling nabuhay

Pumanaw na bata, pinaniwalaan ng pamilya na muling nabuhay

- Isang bata sa Lanao del Norte ang pinaniwalaang namatay at muling nabuhay

- Sabi pa ng ilang residente sa lugar ay mayroon diumanong pulso ang bata

- Ayon sa kwento ng ama ng batang si Angel, bigla na lamang daw sumama ang pakiramdam nito noong Disyembre 21 at tuluyang pumanaw

- Ngunit nang mapanaginipan diumano ito ng nanay ng bata ay hinukay itong muli ng ginang

- Paniwala naman ng isang albularyo sa kanilang lugar, isang kapre diumano ang may kagagawan at ang batang si Angel ay buhay na buhay pa raw

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Isang batang babae sa Lanao del Norte ang pinaniwalaang muling nabuhay matapos ang tatlong araw mula nang ito'y ilibing.

Sa isa sa mga kwentong itinampok sa Kapuso Mo Jessica Soho (KMJS), ang 5-anyos na batang si Angel, diumano'y muling nagkaroon ng pulso ayon sa pamilya at ilang residente sa kanilang lugar.

Ayon sa kwento ng ama ni Angel na si Joseph Manabay, noong Disyembre 21, bigla na lamang nagsuka, tila nadudumi at nanigas ang bata matapos daw maglaro at mamitas ng sili.

Agad naman daw nilang dinala ang bata sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival.

Dahil sa kahirapan, hindi na raw napaembalsamo ang katawan ni Angel at agad na raw na inilibing.

Ngunit noong Disyembre 25, tatlong araw matapos itong pumanaw ay napanaginipan diumano ito ng nanay na si "Lita" na humihingi ng saklolo. Gutom at uhaw na rin daw ito.

Dahil dito, hinukay ni Lita ang libingan ng anak na mayroong lalim na 6 feet, gamit ang isang plato.

Laking gulat naman daw ni Joseph nang makita ang bangkay ng anak.

"Wala namang baho, presko ang katawan, malambot lahat ng mga paa, ang ulo malambot din," anito.

Kaya naman sa isang kubo sa kanilang lugar, inilagak nila ang katawan ng anak.

Ayon pa kay Joseph, pinainom nila ito ng dalawang tasa ng gatas at naubos pa umano ito ng bata.

Naihi din umano si Angel kaya pinapalitan nila ito ng salawal.

Sabi naman ng albularyong si Divine Awa, buhay na buhay daw ang batang si Angel at muling magbabalik matapos ang 21 araw.

Kapre diumano ang may kagagawan ng sinapit ng batang si Angel.

Sa paniniwalang ito, araw-araw na pinaiinom ni Joseph ng tubig si Angel at binabantayan sa kubong pinaglagakan dito.

Ngunit ayon naman sa mga awtoridad, may nilalabag na batas ang pamilya ni Joseph, dahil ang bangkay ni Angel, posibleng magdulot ng banta sa kalusugan ng marami.

Kinumpirma naman ng doktor na sumuri kay Angel noong dalhin ito sa ospital na pumanaw na ang bata.

Maging ang director ng PAO Forensic laboratory na si Dr. Erwin Erfe ay sinabing patay na ang bata.

Dahil dito, nagdesisyon na si Joseph na muling ipalibing ang anak. Naaaawa na rin daw kasi ito sa nakikitang sitwasyon ng anak.

Sa tulong ng lokal na pamahalaan, muling inihimlay ang katawan ni Angel.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel