Groom, pinalabas ang video ng pagtataksil ng gf at brother-in-law sa kasal nila

Groom, pinalabas ang video ng pagtataksil ng gf at brother-in-law sa kasal nila

- Tampok sa social media ngayon ang pangangaliwa ng isang bride sa kanyang boyfriend bago sila ikasal

- Nagulat ang lahat nang biglang ipalabas sa kasal ang CCTV footage ng pangangaliwa ng bride kasama ang diumano’y brother-in-law niya

- Ang kasama umano ng bride sa CCTV footage ay asawa ng kanyang buntis na kapatid

- Nalaman umano ng groom ang pagtataksil ng girlfriend niya nang magpakabit siya ng CCTV camera sa bahay na lilipatan dapat nila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang groom ang nagkaroon ng kakaibang pamamaraan upang makapaghiganti sa kanyang kasintahang nahuli niyang nangangaliwa sa kanya.

Nalaman ng KAMI na bago ang seremonya ng kanilang kasal, pinalabas ng groom sa malaking screen sa harap ang CCTV footage kung saan makikita ang babae na may kahalikang ibang lalake.

Ayon sa ulat ng Rachfeed, ang lalaking kasama ng babae ay brother-in-law niya na asawa ng kapatid niyang buntis.

Sabi sa ibang mga ulat, ang kasal daw ay ginanap sa Fujian sa China noong Huwebes.

Makikita sa viral video na noong una ay masaya pang magkahawak ang magkasintahan habang naglalakad sa aisle. Nag-pose ang dalawa para sa picture nang makarating na sila sa gitna ng stage.

Sabi ng host, may mga video raw na ipapalabas para sa magkasintahan. Subalit, nagulat ang lahat nang makita ang video na may kahalikang iba ang bride.

Tinulak ng groom ang bride at makikita ngang tinapon ng babae ang bouquet sa groom.

Kwento ng groom, nalaman niya ang pangangaliwa ng kanyang girlfriend nang magpalagay siya ng CCTV camera sa bahay na kanilang dapat lilipatan. Hindi umano inaasahan ng groom na magtataksil sa kanya ang girlfriend niya at sa brother-in-law pa nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Mapapanood ang video ng insidente rito:

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel