85-anyos na ina, babad sa dagat araw-araw para lang may ipakain sa anak na PWD

85-anyos na ina, babad sa dagat araw-araw para lang may ipakain sa anak na PWD

- Araw-araw na nakababad sa tubig dagat upang manguha at magbenta ng talaba at tahong ang 85-anyos na ina mula sa Vietnam

- 15 taon na itong biyuda at walang ibang maghahanapbuhay para sa kanila

- May sakit pa sa pag-iisip ang kanyang anak na 61-anyos na kaya wala siyang ibang maasahan kundi ang sarili

- Bagaman at nasanay na ang kanyang katawan sa pagbababad sa tubig dagat, di pa rin maganda ang epekto nito sa kanyang balat na madalas mangati

- Madalas din siyang tulungan ng kanyang mga suki dala na rin ng awa dahil sa kabila ng kanyang edad ay kinakailangan pa rin niyang mag-hanapbuhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakakadurog ng puso ang kwento ng buhay ni Nguyen Thi Ro, isang 85-anyos na inang mula sa Vietnam.

Ayon sa The Life Feed, maaga pa lamang ay nagsisimula nang magbabad sa tubig dagat si Nguyen upang manguha ng talaba at tahong na kalaunan ay kanyang ipagbibili.

Nalaman ng KAMI na 15 taon nang biyuda ang matanda at naiwan pa sa kanya ang 61-anyos niyang anak na mayroon pang sakit sa pag-iisip.

Dahil sa kanilang sitwasyon, kinakailangan pa ring maghanapbuhay ni Nguyen upang may kainin silang mag-ina araw-araw.

Sa kabila ng kanyang edad, kinakaya pa rin niyang magbabad sa dagat ng matagalan.

85-anyos na ina, babad sa dagat araw-araw para lang may ipakain sa anak na PWD
source: TDF
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ngunit di pa rin talaga maiiwasang makaranas siya ng pangangati at pagkakaroon ng problema sa balat sa tuwing aahon na siya mula sa tubig.

Tinitiis pa rin ito ni Nguyen, alang-alang sa kanilang mag-ina.

Suportado naman siya ng kanyang mga suki na binibilhan siya halos araw-araw para lamang may kitain ang matanda.

85-anyos na ina, babad sa dagat araw-araw para lang may ipakain sa anak na PWD
source: TDF
Source: Facebook

Alam kasi nila ang sitwasyon ng matanda at nakikita naman nila ang pagsusumikap pa rin nito sa kabila ng kanyang edad.

Wala ring hangad ang ibang netizens kundi ang matulungan ang mag-ina upang sana ay di na magtrabaho pa si Nguyen dahil maging siya ay kailangan na rin na mamalagi na lamang sa bahay.

Tunay na ang pagmamahal ng isang ina at di matatawaran. Gaya na lamang ng sakripisyo na ito ni Nguyen na kahit ano ay gagawin may maipakain at may kitaing pampagamot ng kanyang anak.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica