Babaeng nambato at nanigaw sa isang saleslady sa Cebu, kalaboso na

Babaeng nambato at nanigaw sa isang saleslady sa Cebu, kalaboso na

- Nag-viral ang video ng isang misis na nagawang mambato at manigaw ng isang sales assistant ng humidifier store sa isang mall sa Cebu

- Makikita sa video kung paano hinamak ng customer ang sales assistant at makailang beses pa itong nambato ng mga produkto

- Sa isang video na binahagi ng netizen, makikinig na napansin nitong dumugo na ang bahagi ng mukha ng sales agent buhat ng pambabato ng customer

- Ang masaklap, may hawak pa umanong sanggol ang babaeng customer ngunit pa tuloy pa rin ito sa pagwawala

- Binahagi ng Sun Star Cebu na nadakip ang customer at kasalukuyan na itong nasa kalaboso

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nasa kamay na ng awtoridad ang babae sa viral video kung saan nagawa nito umanong mambato at manigaw ng isang sales assistant ng mga humidifier sa Ayala Mall Cebu.

Unang naibalita ng KAMI ang tungkol sa video na binahagi ng Zekegab Tv kung saan makikita kung paano makailang beses na binato, sinaktan at sinagawan ng customer ang sales assistant.

Sa isang video ng insidente na binahagi naman ng Davao Trend, maririnig ang boses ng kumukuha nito na nagsabing may dugo na raw ang bahagi ng mukha ng sales agent bunga ng pambabato ng babae.

Ang masaklap pa kasi nito, may dala pang sanggol ang customer ngunit patuloy pa rin ito sa paninigaw at pambabato sa saleslady.

Nang di na makapagpigil, lumabas na sa pwesto ang saleslady at susugurin na sana ang customer.

Mabuti na lamang at may mga taong sumubok nang mamagitan sa dalawa. Dumating na rin ang isang guwardiya sa eksena.

Di man naging malinaw ang dahilan ng kaguluhan, ngunit kitang-kita na tila sumobra na ang panghahamak ng customer sa saleslady.

Kasalukuyan nang nasa Mabolo Police Substation ang customer na tumangging magpaunlak ng panayam.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel