Seaman, nasalisihan ng isang sundalo kay misis

Seaman, nasalisihan ng isang sundalo kay misis

- Nabuntis at ibinahay daw ng isang sundalo ang misis ng seaman na si Jojit habang siya ay nasa barko

- Mismong ang kanilang anak pa nga raw ang nagsabi sa kanya na manganganak na ang asawa niya

- Kaya naman nais ni Jojit na pagbayaran ng dalawa ang kasalanan ng mga ito sa likod ng rehas

- Nangako naman agad ng tulong si Raffy Tulfo sa nasalisihang mister

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Hindi matanggap ng seaman na si Jojit Peconada mula sa Caloocan City ang pangloloko sa kanya ng kanyang asawa na si Florabel.

Reklamo ni Jojit, sinalisihan siya ni misis at ng kabit nito na si Raymar Mayor na isang sundalo.

Sa katunayan ay nanganak na raw si misis, isang araw pagkaraan niyang makauwi sa Pilipinas.

Mismong ang kanilang anak pa nga raw ang nagsabi sa kanya ng kalagayan ng ina nito.

Mariing iginiit ni mister na sigurado itong kay Raymar ang bata at hindi sa kanya dahil June noong nakaraang taon pa raw nang siya ay umalis.

Oktubre naman ngayong taon nang manganak si misis.

Kaya naman, humingi ito ng tulong kay Raffy Tulfo sa pamamagitan ng isa sa mga programa nito na mabigyan ng leksyon ang kanyang misis at ang kabit nito.

Samantala, ayon naman kay Major Aries Galang, chief ng Philippine Air Force Public Affairs Office, kasalukuyan nang naiakyat sa kanila ang kaso at iniimbestigahan na ang insidente.

Anito, posibleng matanggal sa serbisyo si Raymar kung sakaling mapatunayan na nagkasala nga ito sa batas.

Desidido naman si Jojit na sampahan ng kaso si misis at ang kalaguyo nitong si Raymar.

Nadiskubre rin nito na nagsasama na sina Florabel at Raymar sa iisang bubong.

Nangako rin ng tulong si Tulfo sa lalaki upang makuha nito ang hinahangad na hustisya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel