Karumal-dumal! Babaeng nag-ingles, pinugutan ng ulo ng isang lalaki

Karumal-dumal! Babaeng nag-ingles, pinugutan ng ulo ng isang lalaki

- Hindi kapani-paniwala ang krimeng nagawa ng isang lalaki sa Misamis Oriental na kasalukuyan nang nakakulong

- Ang kanyang biktima na isang babae, pinugutan nito ng ulo at tsaka kinain ang utak nito

- Ayon sa suspek, napatay niya ang biktima dahil sa pagi-ingles nito

- Wala pang pagkakakilanlan ang biktima

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Karumal-dumal na krimen ang sumambulat sa mga residente ng Talisayan town, Misamis Oriental nitong Huwebes ng umaga.

Isang babaeng pugot ang ulo at nakatali ang parehong kamay ang natagpuan sa Barangay Punta ayon kay Captain Maribeth Ramoga, Talisayan police chief.

Wala ring damit ang itaas na bahagi ng katawan ng bangkay.

Dahil sariwa pa ang mga dugo sa lugar kung saan natagpuan ang bangkay, posibleng naganap ang krimen madaling araw ng Huwebes.

Ayon sa ulat ng Inquirer, inaresto na ang suspek na si Lloyd Bagtong, 21-anyos na inamin na ang krimen.

Ngunit ang mas nakapanlulumo pa ay inamin ng suspek na kinain niya ang utak ng babae. Itinapon naman nito ang ulo sa isang butas malapit sa bahay nito.

Ayon sa pulisya, nakita nilang tumatakbo palayo sa kanyang tahanan si Bagtong nang magsimula nang kumalat ang balita tungkol sa natagpuang pugot ang ulo.

Inamin naman nito na pinatay nito ang babae sa pamamagitan ng pagputol ng ulo nito gamit ang isang karit na nakita pang nakasabit sa bewang nito.

“The suspect said he killed the victim because she was speaking in English. This probably irritated him,” dagdag pa ni Ramoga.

Hinala ni Ramoga, posibleng mayroong mental condition ang suspek dahil sa mga testimonya nito.

Bago matagpuan ang bangkay ng babae, nakita pa ito kasama ang suspek na naglalakad nang magkasama base sa ilang saksi.

Ayon pa sa ulat, wala pa ring pagkakakilanlan ang biktima.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Annie Symone avatar

Annie Symone