Flight attendant, lumapit kay idol para ireklamo ang mister na mahilig manabunot

Flight attendant, lumapit kay idol para ireklamo ang mister na mahilig manabunot

- Inireklamo ng isang ginang at ng ina nito ang mister nito na nananakit at mahilig daw manabunot

- Ayon sa ginang, madalas siyang saktan ng kanyang mister na isang flight instructor kahit na dahil lamang sa maliit na bagay

- Kaya naman humingi ng tulong ang mag-ina kay idol Raffy para pagbayaran nito ang ginawa

- Bagamat inamin ni mister na minsan niyang nasaktan ang asawa ay iginiit naman nito nagkaayos na sila ng asawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Inireklamo ng ginang at dating flight attendant na si Princess Analyn Mangalino ang mister na si Eduardo Mangalino Jr. na isa namang flight instructor.

Idinulog ni misis kasama ang kanyang ina kay Raffy Tulfo ang reklamo nito laban sa mister na nananakit at mahilig daw manabunot.

Giit pa ni misis, kahit na maliit na bagay ay ikinagagalit nito sa kanya na pagsisimulan na ng away nilang mag-asawa.

Ilang larawan pa ang ipinakita nito kung saan makikita ang mga pasa sa mukha na tinamo niya mula sa mister.

Mayroon din daw itong hawak na medico legal na maaaring gawing ebidensiya.

Ngunit depensa naman ni mister, nagkausap na sila ni misis, isang oras bago umere ang reklamo nito.

Anito, gusto lamang ng mga magulang ni Princess na magmakaawa siya sa mga ito,

Dagdag pa nito, maayos na sila ng asawa at ang gusto lamang niya ay mabuo muli ang kanilang pamilya.

Ngunit sabi naman ni misis, nagiging sibil lamang siya sa asawa alang-alang sa kanilang anak.

Inireklamo din ng nanay ni misis ang lalaki na wala umanong respeto sa kanila.

Nakatikim naman ang lalaki kay idol Raffy dahil daw sa kayabangan nito.

Pero para kay misis, nais niyang makasuhan ang mister at maturuan ito ng leksyon sa pamamagitan ng pagsasampa ng kaso laban dito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Pennywise Prank Causes Rather Weird Reactions

Did you behave yourselves, kids? Pennywise walking in the streets of the Philippines holding red balloons and unexpectedly appearing in front of passers-by. Some reactions are rather weird! KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel