3 babae, kabilang ang isang menor-de-edad, minasaker habang naka-livestream
- Tatlong kababaihan, kabilang ang 15-anyos na si Lara Gutierrez, ay brutal na pinaslang sa tinaguriang “House of Horrors” sa Argentina
- Mga katawan ay natagpuan sa likod ng isang bahay, halos hindi makilala dahil sa matinding pananakit at mutilation
- Isang babaeng suspek ang umamin na bahagi siya ng krimen pero itinuro ang isang Peruvian drug trafficker at kanyang grupo bilang utak ng masaker
- Ang mga pagpatay ay ini-livestream sa Instagram bilang babala sa sinumang magnanakaw ng droga
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Source: Original
Sa Argentina, tatlong babae ang pinahirapan at pinaslang sa tinawag na “House of Horrors.”
Ang mga biktima ay sina Lara Morena Gutierrez, 15; Brenda del Castillo, 20; at Morena Verdi, 20.
Huling nakita ang tatlo sa CCTV noong Setyembre 19 habang sumasakay sa isang puting pickup truck.
Base sa imbestigasyon, pinatay sila ilang oras matapos makita sa CCTV.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Natagpuan ang mga katawan bandang alas-tres ng madaling araw sa isang hardin sa likod ng bahay sa Buenos Aires.
Dahil sa sobrang kalunos-lunos na kondisyon, nakilala lang sila gamit ang tattoo at damit.
Ayon sa mga eksperto, tinanggal ang limang daliri at isang tainga ni Gutierrez bago siya patayin. Si Verdi ay binugbog sa mukha bago baliin ang leeg.
Samantalang si Del Castillo ay sinaksak sa leeg, binugbog, at pinukpok hanggang mamatay. Pagkatapos, binuksan pa ang tiyan niya.
Arestado na ang apat na tao na may kinalaman sa krimen. Isa sa kanila, isang babae, ang umamin na tumulong pero sinabing isang Peruvian drug trafficker at ang kanyang grupo ang utak ng masaker.
Sabi ng pulisya, ang mga biktima ay inimbitahan umano sa isang party pero iyon pala’y patibong.
Pinaniniwalaang isa sa kanila ang nagnakaw ng cocaine mula sa lider ng sindikato. Ang pagpatay ay ini-livestream sa Instagram na napanood ng 45 katao.
Ayon umano sa drug leader, “This is what happens to anyone who steals drugs from me.”
Basahin ang artikulo na nilathala ng PhilSTAR Life dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa kwentong ito.
Ang mga balita, larawan, o video na nakakaantig ng interes ng mga netizen ay madalas nagiging viral sa social media dahil sa atensyon na ibinibigay ng publiko. Ang ganitong mga post ay kadalasang tumatama sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maaari rin itong mangyari sa mga karaniwang tao, na mas nagiging relatable sa marami.
Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlo ay walang-awang pinagbabaril hanggang mamatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa kanilang tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone mula sa biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV 5 na “Frontline Pilipinas,” nagsimulang makatanggap ng pagbabanta ang pamilya matapos nilang pautangin ng P1-M ang isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.
Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na teacher sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang paulit-ulit na sinaksak ng sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardiya ang paaralan ngunit dahil kilala ang suspek sa lugar, madali nitong nagawang makapasok at makalabas. Ayon sa suspek, pumunta siya roon upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh