15-buwan-gulang na bata, patay matapos iwan sa loob ng mainit na kotse ng kanya mismong ina
- Inaresto sa Texas ang isang ina matapos iwan ang kanyang 15-buwang gulang na anak sa loob ng mainit na kotse
- Ayon sa pulisya, iniwan ng suspek ang bata nang mahigit dalawang oras kahit walang aircon ang sasakyan
- Namatay ang bata dahil sa matinding init at sinampahan ng kasong murder ang ina
- Nasa kustodiya na siya ngayon at posibleng makulong mula limang taon hanggang habambuhay
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Source: Original
Arestado ang isang 27-anyos na ina mula Dallas, Texas matapos iwan ang kanyang 15-buwang gulang na anak sa loob ng sasakyan na walang aircon.
Kinilala ng pulisya ang suspek bilang si Vanessa Esquivel.
Batay sa ulat ng Frisco Police Department, nangyari ang insidente noong Agosto 16.
Dumating si Esquivel sa kanyang opisina sa Preston Road bandang alas-dos ng hapon ngunit iniwan ang anak sa loob ng kotse nang higit dalawang oras.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Sabi ng mga imbestigador, alam ng suspek na sira ang aircon ng sasakyan at napakainit ng panahon pero sadyang iniwan pa rin ang bata.
Lumabas sa imbestigasyon na ang ginawa ng ina ay nagdulot ng matinding pinsala at panganib sa buhay ng bata, na kalaunan ay naging sanhi ng pagkamatay nito.
Dahil dito, nakitaan ng probable cause para kasuhan siya ng murder.
Nasa kustodiya na ngayon si Esquivel at nakapiit sa Collin County Jail.
Nahaharap siya sa kasong first degree felony. Itinakda ang kanyang piyansa sa $250,000 o higit P14 milyon.
Kung mapapatunayang guilty, maaari siyang makulong ng lima hanggang habambuhay at magmulta ng hanggang $10,000 o mahigit P570,000.
Patuloy namang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang kaso.
Basahin ang artikulo na nilathala ng PhilSTAR Life dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa kwentong ito.
Ang mga balita, larawan, o video na nakakaantig ng interes ng mga netizen ay madalas nagiging viral sa social media dahil sa atensyon na ibinibigay ng publiko. Ang ganitong mga post ay kadalasang tumatama sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maaari rin itong mangyari sa mga karaniwang tao, na mas nagiging relatable sa marami.
Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlo ay walang-awang pinagbabaril hanggang mamatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa kanilang tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone mula sa biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV 5 na “Frontline Pilipinas,” nagsimulang makatanggap ng pagbabanta ang pamilya matapos nilang pautangin ng P1-M ang isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.
Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na teacher sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang paulit-ulit na sinaksak ng sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardiya ang paaralan ngunit dahil kilala ang suspek sa lugar, madali nitong nagawang makapasok at makalabas. Ayon sa suspek, pumunta siya roon upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh