Ginang at dalawa niyang anak, patay matapos umanong malason sa isang hotel

Ginang at dalawa niyang anak, patay matapos umanong malason sa isang hotel

• Inilipat ng pamunuan ang lahat ng bisita ng hotel matapos ang hinihinalang pagkalason na ikinamatay ng ina at dalawang bata

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

• Dalawa pang turista mula sa parehong hotel ang naospital dahil sa pagsusuka at pagkahilo

• Kumain ang pamilya ng iba’t ibang street food bago sila nagkasakit

• Natuklasang may kuwartong kamakailan lang winisikan ng pesticide, at may pitong taong iniimbestigahan

Davide Baraldi on Pexels
Davide Baraldi on Pexels
Source: Original

Inilikas ang lahat ng guests ng isang hotel sa Fatih, Istanbul matapos masangkot ito sa insidente ng posibleng pagkalason na ikinamatay ng isang ina at ang dalawa niyang anak.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ayon sa lokal na media, inilipat sa ibang hotel ang lahat ng bisita pero hindi binanggit kung ilan sila.

Dalawa pang turista na naka-check-in sa parehong hotel ang dinala rin sa ospital dahil sa pagsusuka at pagkahilo.

Hindi pa ibinibigay ang iba pang detalye tungkol sa kanilang kondisyon.

Nagkasakit ang pamilya noong Miyerkules matapos kumain ng ilang sikat na street food sa Ortakoy, isang lugar malapit sa Bosphorus Bridge.

Read also

2-anyos na bata, patay matapos mahulog mula sa ika-20th floor ng isang apartment building

Dinala sila sa ospital, ngunit pumanaw ang dalawang bata na may edad anim at tatlo noong Huwebes, at sumunod ang ina kinabukasan.

Nanatili sa kritikal na lagay ang ama, ayon sa mga opisyal ng kalusugan sa Istanbul.

Naglabasan ang iba’t ibang ulat tungkol sa mga pagkaing kinain ng pamilya.

Pero isang bagong impormasyon ang lumabas: may kuwartong nasa ground floor ng hotel ang kamakailan lang nilagyan ng pesticide.

Dahil dito, inaresto ng pulisya ang isang empleyado ng hotel at dalawang pest control workers. Sa ngayon, umabot na sa pitong tao ang iniimbestigahan.

Turkish ang pamilya ngunit nakatira sa Germany. Dumating sila sa Istanbul para magbakasyon.

Basahin ang artikulo na nilathala ng PhilSTAR Life dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa kwentong ito.

Ang mga balita, larawan, o video na nakakaantig ng interes ng mga netizen ay madalas nagiging viral sa social media dahil sa atensyon na ibinibigay ng publiko. Ang ganitong mga post ay kadalasang tumatama sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maaari rin itong mangyari sa mga karaniwang tao, na mas nagiging relatable sa marami.

Read also

Catriona Gray nagpahayag ng matinding pagkadismaya sa kasalukuyang takbo ng pamahalaan

Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlo ay walang-awang pinagbabaril hanggang mamatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa kanilang tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone mula sa biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV 5 na “Frontline Pilipinas,” nagsimulang makatanggap ng pagbabanta ang pamilya matapos nilang pautangin ng P1-M ang isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na teacher sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang paulit-ulit na sinaksak ng sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardiya ang paaralan ngunit dahil kilala ang suspek sa lugar, madali nitong nagawang makapasok at makalabas. Ayon sa suspek, pumunta siya roon upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)

Tags: