TikTok prankster, himas-rehas dahil sa kanyang viral 'Syringe Prank'
- Kinulong ng anim na buwan ang French influencer na si Ilan Magneron dahil sa pekeng syringe prank
- Nagpanggap siyang nanunurok ng mga tao sa kalye habang nagbibidyo sa Paris
- Nagdulot ito ng takot sa publiko lalo na’t dumarami ang mga ulat ng totoong karayom na insidente
- Maraming netizen ang nagsabing masyado raw magaan ang parusang ibinigay sa kanya
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!

Source: Original
Nakulong ng anim na buwan ang French influencer na si Ilan Magneron, kilala online bilang “Amine Mojito,” dahil sa prank video kung saan nagpanggap siyang nanunurok ng mga tao gamit ang walang lamang syringe.
Sa TikTok video na kinunan noong Hunyo 21, sa pagdiriwang ng Fête de la Musique sa Paris, makikitang palihim siyang lumalapit sa mga tao, kunwari’y tinuturok, at saka tumatakbo palayo. Marami ang nagulat at natakot sa ginawa niya.
Naging viral ang video at nagdulot ng galit sa buong bansa.
Naganap ito sa gitna ng takot ng publiko dahil sa mga totoong insidente ng karayom na pananakit sa mga estudyante at sa mga pista sa France.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Umabot sa 145 ang naiulat na ganitong kaso noong music festival.
Ayon sa mga awtoridad, posibleng nakaimpluwensiya si Mojito sa pagdami ng ganitong pangyayari.
Sa korte, inamin ni Mojito na ginaya niya lang ang mga prank na nakita niya sa ibang bansa tulad ng Spain at Portugal.
Sinabi niyang hindi niya inisip na makasakit ito ng tao at nagkamali siyang hindi inisip ang epekto ng kanyang ginawa.
Noong Oktubre 3, hinatulan siya ng Paris Criminal Court ng 12 buwang kulong, ngunit kalahati rito ay suspendido.
Pinagmulta rin siya ng ₱102,400 at pinagbabawalang magdala ng anumang armas sa loob ng tatlong taon.
Maraming netizen ang hindi nasiyahan sa hatol at sinabing kulang ang anim na buwang pagkakakulong.
Para sa ilan, nakakatakot pa rin ang ginawa ni Mojito kahit walang laman ang syringe.
Basahin ang artikulo na nilathala ng PhilSTAR Life dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa kwentong ito.
Ang mga balita, larawan, o video na nakakaantig ng interes ng mga netizen ay madalas nagiging viral sa social media dahil sa atensyon na ibinibigay ng publiko. Ang ganitong mga post ay kadalasang tumatama sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maaari rin itong mangyari sa mga karaniwang tao, na mas nagiging relatable sa marami.
Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlo ay walang-awang pinagbabaril hanggang mamatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa kanilang tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone mula sa biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV 5 na “Frontline Pilipinas,” nagsimulang makatanggap ng pagbabanta ang pamilya matapos nilang pautangin ng P1-M ang isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.
Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na teacher sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang paulit-ulit na sinaksak ng sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardiya ang paaralan ngunit dahil kilala ang suspek sa lugar, madali nitong nagawang makapasok at makalabas. Ayon sa suspek, pumunta siya roon upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh