Babae, 4 araw na naglagi sa ref para makaligtas sa baha

Babae, 4 araw na naglagi sa ref para makaligtas sa baha

  • Babaeng apat na araw nagpalutang sa ref, nasagip sa matinding baha sa Thailand
  • Ina niyang 80-anyos, nahulog at nalunod habang tumataas ang tubig
  • Survivor, dinala sa ospital dahil sa gutom at dehydration
  • Higit 1,300 katao na ang nasawi sa Thailand, Indonesia at Sri Lanka dahil sa baha at landslides

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

GMA Integrated News on YouTube
GMA Integrated News on YouTube
Source: Youtube

Isang babae ang apat na araw na nagpalutang-lutang sa loob ng kanilang bahay gamit ang refrigerator bago siya masagip sa Ban Phru village sa Thailand.

Nanghihina na ang 50-anyos na survivor dahil ilang araw siyang walang pagkain at tubig habang naghihintay ng tulong.

Hindi raw sila nakalabas agad ng bahay nang biglang tumaas ang tubig, at natakot din silang lumangoy palabas dahil mataas ang baha sa paligid.

Kasama niya noon ang ina niyang 80-anyos nang mangyari ang malakas na pag-ulan.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Natuklasan ng mga awtoridad na nahulog sa tubig ang matandang ina matapos mawalan ng balanse at nalunod.

Read also

Derek Ramsay, naglagay ng mga bagong halaman bilang bahagi ng personal reset

Inilagay ng babae ang katawan ng kaniyang ina sa isa pang ref para hindi tangayin ng agos ang labi nito.

Masakit daw para sa mga rescuer na hindi sila nakaabot nang mas maaga.

Maingat na isinakay ang babae sa rescue boat.

Gutom at matindi ang dehydration matapos apat na araw na hindi nakakain at nakakainom. Nabigyan na siya ng agarang tulong medikal, habang na-recover na rin ang labi ng kaniyang ina.

Hat Yai ang isa sa mga pinaka-napuruhan sa malawakang pagbaha sa Thailand matapos tumama ang Tropical Storm Koto, na unang dumaan sa Pilipinas bilang Bagyong Verbena.

Labingdalawang probinsiya ang lumubog sa baha. Pagsapit ng Disyembre 2, umabot na sa 181 ang naitalang patay sa Thailand.

Kasabay nito, mabibigat din ang monsoon rains sa Indonesia at Sri Lanka. Hanggang umaga ng Disyembre 3, umabot na sa 1,347 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa tatlong bansa dahil sa baha at landslides.

Panuorin ang special report ng GMA Integrated News sa bidyong ito:

Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlo ay walang-awang pinagbabaril hanggang mamatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa kanilang tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone mula sa biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV 5 na “Frontline Pilipinas,” nagsimulang makatanggap ng pagbabanta ang pamilya matapos nilang pautangin ng P1-M ang isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.

Read also

Lolo, 74, patay sa pananaksak ng apo sa Davao City; pamilya desididong hindi maghabla

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na teacher sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang paulit-ulit na sinaksak ng sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardiya ang paaralan ngunit dahil kilala ang suspek sa lugar, madali nitong nagawang makapasok at makalabas. Ayon sa suspek, pumunta siya roon upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)

Tags: