Dambuhalang ulap, bumalot sa kalangitan ng South China

Dambuhalang ulap, bumalot sa kalangitan ng South China

  • Isang dambuhalang ulap ang bumalot sa kalangitan ng South China, dulot ng Typhoon Wipha, na siyang nagdulot ng matinding takot sa mga residente
  • Ang mala-pelikulang tanawin ay kasabay ng malalakas na pag-ulan at pagbaha sa mga lungsod ng Yangjiang, Zhanjiang at Maoming sa Guangdong
  • Nagbabala ang mga awtoridad ng posibleng flash floods at landslide habang daan-daang tao ang inilikas at flights ay kinansela
  • Ayon sa China’s weather bureau, patuloy na kikilos ang sistema papuntang Vietnam kung saan inalerto na rin ang mga coastal areas

Parang eksena sa disaster movie ang langit sa South China nitong Lunes, Hulyo 21, matapos bumalot ang isang dambuhalang, madilim, at nakakatakot na ulap sa kalangitan habang papalapit si Typhoon Wipha. Mula sa Hong Kong hanggang sa mga lungsod ng Guangdong gaya ng Zhanjiang at Maoming, tila ba sumasagasa ang ulap na ito, dala-dala ang panganib ng ulan, baha at landslide.

Dambuhalang ulap, bumalot sa kalangitan ng South China
Dambuhalang ulap, bumalot sa kalangitan ng South China (đź“·Reuters via GMA Public Affairs)
Source: Original

Ayon sa mga ulat ng Reuters, nagsimulang mag-landfall si Wipha noong Linggo ng gabi bilang tropical storm, ngunit ang dala nitong cloud system ay siksik, makapal at tila umaabot sa buong baybayin. "Flash flood at landslide alert" agad ang inilabas ng mga awtoridad matapos itong dumaan.

Read also

Lalaking namamalimos, patay matapos saksakin ng service crew

Sa Hong Kong, tinumba ng bagyo ang ilang scaffolding, grounded ang mga flight, at halos 280 katao ang napilitang lumikas papunta sa mga emergency shelter. Maging ang mga expressway papuntang Shenzhen at Zhuhai ay isinara pansamantala dahil sa kapal ng ulan at kakambal nitong ulap.

Sa Guangdong province, daan-daang milimetro ng ulan ang bumuhos habang 20 ilog sa China ang lumampas sa warning level, ayon sa Ministry of Water Resources. Mabilis namang nakabawi ang ilang lungsod, pero tuloy pa rin ang babala ng “secondary disasters” tulad ng pagguho ng lupa.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ayon sa China Meteorological Administration, tatawid si Wipha sa Gulf of Tonkin at lalapit sa baybaying bahagi ng Northern Vietnam sa Martes. Sa Vietnam, agad nang inalerto ang mga coastal provinces. Nagpadala ang prime minister ng mensahe para ipatawag ang lahat ng bangka sa dalampasigan, ilikas ang mga nasa flood zones at ihanda ang rescue operations.

Habang tila nagngangalit ang langit sa China, ramdam din sa Pilipinas ang patuloy na pananalasa ng matitinding ulan dulot ng habagat at low-pressure systems. Sa mga nakalipas na linggo, sunod-sunod ang mga ulat ng pagbaha, landslide at pagkasira ng mga ari-arian.

Read also

19-anyos na dalaga, arestado sa tangkang panghoholdap ng taxi driver

Bukod sa natural na epekto ng weather disturbances, pinalalala rin ang mga pinsala ng ulan ng baradong kanal, kakulangan ng maayos na drainage system, at pagkalbo ng mga bundok. Ang epekto ng climate change ay kitang-kita rin sa pinalalakas nitong mga weather system gaya ng habagat at mga bagyong umaabot hanggang super typhoon level.

Sa Pilipinas, halos kasabay ng pagragasa ni Wipha sa China ay ang insidente sa Quezon City kung saan isang lalaki ang naging bayani matapos sumuong sa baha upang iligtas ang isang batang natangay ng tubig: “Lalaki, sumuong sa baha upang sagipin ang bata sa Quezon City” Isang matinding pag-ulan ang nagdulot ng biglaang baha sa Batasan Hills. Sa isang eksenang puno ng tensyon, nailigtas ng lalaki ang batang muntik nang matangay ng agos.

Samantala, sa Negros Occidental, higit 130 bahay ang nasira dahil sa walang patid na ulan dulot ng habagat at bagyong Crising: “Mahigit 130 bahay, nasira dahil sa habagat at Bagyong Crising sa Negros” Umabot sa ilang barangay ang matinding baha at landslide. Maraming pamilya ang napilitang lumikas at naghihintay pa ng tulong mula sa lokal na pamahalaan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate