Nawalang 'bride-to-be', sumailalim na sa medical assessment

Nawalang 'bride-to-be', sumailalim na sa medical assessment

  • Sumailalim na sa medical assessment ang natagpuan nang 'missing bride-to-be' na si Sherra De Juan
  • Isinagawa ito, ilang oras matapos na maiuwi na si De Juan sa kanilang tahanan
  • Sa isang video ng panayam ng pulisya kay De Juan, nabanggit nitong tubig lamang ang kanyang laman tiyan sa halos tatlong linggo niyang pagkawala
  • Isa rin sa kanyang nabanggit ay ang hindi agad na paglapit sa pulisya sa takot na hindi paniwalan umano ang kanyang kwento

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Isinailalim sa masusing medical assessment ng Quezon City Police District (QCPD) Medical and Dental Unit (MDU) ang nawawalang bride-to-be na si Sherra De Juan matapos itong matagpuang ligtas sa lalawigan ng Pangasinan noong Lunes, Disyembre 29.

Nawalang 'bride-to-be', sumailalim na sa medical assessment
Nawalang 'bride-to-be', sumailalim na sa medical assessment (Mark Arjay Reyes)
Source: Facebook

Ayon sa News5, agad na sinuri ng mga medical personnel ang kalagayan ng tinaguriang 'missing bride-to-be' upang matiyak ang kanyang kalusugan matapos ang ilang araw na pagkawala.

Batay sa resulta ng pagsusuri, lumabas na halos tubig lamang ang naging konsumo ni Sherra sa loob ng ilang araw at kamakailan lamang muli itong nakakain ng maayos.

Read also

Jay Costura, may mensahe sa natagpuang 'missing bride-to-be' at sa nobyo nito

Gayunpaman, tiniyak ng QCPD-MDU na wala silang nakitang senyales ng malubhang karamdaman.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Nanatili ring normal at matatag ang kanyang vital signs, indikasyon na nasa maayos na kondisyon ang kanyang pangangatawan sa kabila ng pinagdaanan.

Sa panayam naman ng pulisya, inamin ni Sherra kung bakit hindi siya agad humingi ng tulong sa mga awtoridad. Ayon sa kanya, “Parang hindi po kasi kapani-paniwala ‘yung kwento ko… ta’s natatakot pa,” dahilan upang piliin niyang manahimik muna. Ibinahagi rin niya ang kanyang naranasan kaugnay ng kakulangan sa pagkain, na labis umanong nagulat siya sa kanyang kinayanan. “Hindi ko po alam na mabubuhay po pala ang tao sa tubig lang… Ngayon lang po ako nakakain ng kanin,” ani Sherra.

Sa kasalukuyan, ligtas na si Sherra De Juan at nasa pangangalaga na ng kanyang pamilya. Nakatulong din umano ang isang mabuting motorista na unang rumesponde at ang maagap na aksyon ng mga awtoridad upang masigurong maayos ang kanyang kalagayan.

Patuloy namang nagbibigay ng suporta ang mga kinauukulan upang matulungan siyang makarekober sa naganap sa kanyang buhay na labis din umanong gumulantang sa publiko.

Read also

Sherra De Juan, isinalaysay ang ilang pangyayari bago siya natagpuan ng taong tumulong sa kanya

Si Sherra De Juan ay isang babaeng nakilala ng publiko matapos siyang iulat na nawawala at tinaguriang “missing bride-to-be.” Ayon sa mga ulat, ilang araw siyang hindi nakauwi sa kanilang pamilya, dahilan upang magdulot ng pangamba at espekulasyon sa social media. Kalaunan, natagpuan siya sa Pangasinan matapos tulungan ng isang nagmalasakit na motorista at ihatid sa pulisya. Sa mga panayam, ibinahagi ni Sherra ang kanyang pagiging mahiyain, kakulangan sa pera, at mga takot na naranasan habang naglalakbay mag-isa. Sa kasalukuyan, ligtas na siya at muling nakapiling ang kanyang pamilya. Patuloy na iniimbestigahan ng awtoridad ang buong pangyayari para sa linaw.

Samantala, nagbigay naman ng mensahe ang kilalang 'Nostradamus of the Philippines' na si Jay Costura matapos matagpuan ang missing 'bride-to-be.' Matatandaang dumulog na sa kanya ang nobyo ni De Juan na si Mark Arjay Reyes gayundin ang ina nito upang magkaroon umano sila ng ideya sa maaaring kinaroroonan ng 'missing bride-to-be' atpati na rin ang kalagayan nito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica