Sherra De Juan, isinalaysay ang ilang pangyayari bago siya natagpuan ng taong tumulong sa kanya
- Natagpuan na ang naging kontrobersyal na tinaguriang 'bride-to-be' na si Sherra De Juan
- Matapos ito, naglabasan ang ilang video ng panayam sa kanya
- Doon makikita ang ilang salaysay niya sa kung ano ang nangyari sa kanya
- Sinasabing isang nagmalasakit na motorista ang naghatid sa kanya sa pulisya sa Pangasinan upang makauwi na ito sa kanyang pamilya
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Natagpuan na ng mga awtoridad ang kontrobersyal na tinaguriang missing “bride-to-be” na si Sherra De Juan matapos ang ilang araw na pagkabahala ng publiko hinggil sa kanyang kalagayan.

Source: Facebook
Ayon sa ulat, isang nagmalasakit na motorista ang tumulong at naghatid kay De Juan sa pulisya sa lalawigan ng Pangasinan upang makauwi na siya sa kanyang pamilya.
Kasunod ng kanyang pagkakatagpo, kumalat sa social media ang ilang video ng panayam kay De Juan kung saan ibinahagi niya ang kanyang salaysay tungkol sa mga naranasan niya.
Sa mga nasabing panayam, inilarawan niya ang mga pangyayaring nagdulot ng pangamba at kalituhan hindi lamang sa kanyang sarili kundi pati na rin sa publiko.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ayon kay De Juan, aminado siyang mahiyain at nahirapan siyang humingi ng tulong sa mga panahong iyon. Aniya, “Mahiyain po kasi talaga ako. ‘E nag-aabang po ako ng may hihinto po sa akin. Nakita ko po si Kuya.”
Ikinuwento rin niya ang kakulangan niya sa pera at ang hirap ng kanyang naging paglalakbay pauwi. “Hindi ko po inaasahan na ganun ang mangyayari. Dapat po talaga… Bale wala po akong pera, yung mga bus po na pa-Cubao, sinusundan ko po. Wala manlang (huminto) naglalakad nalang po ako.”
Nang tanungin ng pulis bakit hindi ito nagpunta agad sa kanilang tanggapan, inamin nitong baka hindi umano siya paniwalaan. “Parang hindi po kasi kapani-paniwala ‘yung kwento ko… ta’s natatakot pa.”
Isa rin sa mga tumatak na pahayag niya ay ang kanyang karanasan sa kakulangan ng pagkain. “Hindi ko po alam na mabubuhay po pala ang tao sa tubig lang… Ngayon lang po ako nakakain ng kanin”
Sa kasalukuyan, ligtas na si Sherra De Juan at nasa pangangalaga na ng kanyang pamilya matapos ang tulong na ibinigay ng isang mabuting motorista at ng mga awtoridad.
Patuloy namang pinapaalalahanan ng pulisya ang publiko na agad na lumapit sa mga kinauukulan sakaling mangailangan ng tulong, lalo na sa mga sitwasyong may kinalaman sa kaligtasan at kapakanan ng isang tao.
Narito ang video na ibinahagi ng TikTok user na si @ricasheng2830
Si Sherra De Juan ay isang babaeng nakilala ng publiko matapos siyang iulat na nawawala at tinaguriang “missing bride-to-be.” Ayon sa mga ulat, ilang araw siyang hindi nakauwi sa kanilang pamilya, dahilan upang magdulot ng pangamba at espekulasyon sa social media. Kalaunan, natagpuan siya sa Pangasinan matapos tulungan ng isang nagmalasakit na motorista at ihatid sa pulisya. Sa mga panayam, ibinahagi ni Sherra ang kanyang pagiging mahiyain, kakulangan sa pera, at mga takot na naranasan habang naglalakbay mag-isa. Sa kasalukuyan, ligtas na siya at muling nakapiling ang kanyang pamilya. Patuloy na iniimbestigahan ng awtoridad ang buong pangyayari para sa linaw.
Samantala, sa hiwalay na panayam sa fiancé ni Sherra, nasabi nitong walang pagsidlan ang kanilang kasiyahan na natagpuan na nila ang kasintahan. Hindi lamang ito halata gayung pagod at talagang balisa siya at kanilang pamilya sa paghahanap kay Sherra na halos tatlong linggo ring nawala.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh


