Batangina Vlog, umalma sa mga mapanirang komento tungkol sa pagkawala ng anak
- Naglabas ng emosyonal na saloobin si Batangina Vlog sa social media matapos ang pagkawala ng kanyang anak
- Mariin niyang itinanggi ang mga maling kwento na ibinabato sa kanya ng ilang netizens
- Nilinaw ng content creator na ang viral video niya ay para sana sa kanyang pamilya, hindi sa publiko
- Nagpahayag siya ng pagod at kalungkutan, at hiniling na huwag siyang husgahan sa panahong nagluluksa siya
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Naglabas ng matinding emosyon si Batangina Vlog, isang content creator na kilala sa social media, matapos makatanggap ng mga negatibong komento kasunod ng pagkawala ng kanyang anak.

Source: Facebook
Sa isang mahaba at taos-pusong post, ipinahayag niya ang kanyang sakit at galit sa mga netizen na umano’y humuhusga sa kanya sa gitna ng pagdadalamhati.
“Grabe na talaga ang ibang tao ngayon? sinong T4ngang nanay ang gagawa nun sa anak?” panimula ni Batangina sa kanyang viral na pahayag. Ayon sa kanya, mas pipiliin pa raw niyang makulong kaysa mawalan ng anak, dahil kahit nasa kulungan siya ay maaari pa siyang dalawin nito. “Sana nga nakulong nalang ako kisa nawala ang anak ko!!!” dagdag pa niya.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Hindi rin napigilan ng vlogger na ipahayag ang kanyang sama ng loob sa mga basher na nagkomento ng masasakit na salita. “*Para sa mga nagcocomment na (mam4t y na sana anak mo) ay sana lang talaga wala kayong anak at hindi bumalik sa inyo ang mga pinagsasabi nyo!!!**” ani Batangina, sabay pakiusap sa publiko na magkaroon ng kaunting pang-unawa.
Nilinaw rin niya ang isyu sa likod ng isang video na naging dahilan ng espekulasyon online. Ayon sa kanya, ang naturang video ay dapat sana’y ipadala lamang sa kanilang family group chat. “Nag video ako? bakit? kasi nong time nayun wala pa ang pamilya ko kaya yung video na inupload ko ay isesend ko sana sa gc ng family ko... subrang taranta na ako kisa mag type!!!” paliwanag niya.
Dagdag ni Batangina, hindi pa siya handang ipaliwanag ang lahat dahil hindi pa niya kayang tanggapin ang pagkawala ng kanyang anak. “Hindi pako handang ipaliwanag dahil hindi kopa kaya at hindi kopa kayang tanggapin na wala na ang prinsesa ko😭😭😭” ani niya. Sa huli, hiniling niyang huwag munang bigyan ng maling interpretasyon ang kanyang katahimikan.

Read also
Jillian Ward, planong magsampa ng kaso laban sa mga nagpapakalat ng fake news tungkol sa kanya
“Hindi ko naman kailangan magpaliwanag sa inyo! dahil sa ngayon mas kailangan ako ng anak ko... ayuko napo muna mag open sa social media kaya hanggang dito nalang po muna ang post ko,” pagtatapos ng kanyang mensahe.
Si Batangina Vlog ay isang online content creator na nakilala sa paggawa ng mga relatable at nakakatawang video sa Facebook at TikTok. Kamakailan, naging sentro siya ng usapan sa social media matapos ang isang malungkot na pangyayari sa kanyang pamilya, na umani ng matinding simpatya mula sa kanyang mga tagasuporta.
Sa isang hiwalay na insidente, isang sanggol ang natagpuang palutang-lutang sa irrigation canal sa Malolos, Bulacan. Ayon sa ulat ng Kami.com.ph, agad na rumesponde ang mga awtoridad at isinagawa ang imbestigasyon sa posibleng pinagmulan ng bangkay ng sanggol.
Samantala, sa Cotabato, nadiskubre rin kamakailan ang bangkay ng kambal na sanggol sa Barangay Malabuaya. Batay sa report ng pulisya, nakasilid sa isang plastic bag ang mga sanggol at pinaniniwalaang iniwan sa gilid ng kalsada. Ang insidenteng ito ay nagdulot ng matinding pagkabigla at galit sa mga residente.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh