Gov. Sol Aragones, dinipensahan ang desisyong no face-to-face classes sa probinsya ng Laguna
- Nagdeklara ng no face-to-face classes si Governor Sol Aragones ng Laguna mula Oktubre 14 hanggang Oktubre 31
- Kaugnay nito, tila marami ang kumuwestiyon sa naging desisyon niyang ito
- Sa programang DZMM Teleradyo, nabigyan siya ng pagkakataong ipaliwanag ang kanyang naging desisyong ito na para sa kaligtasan ng mga mag-aaral
- Matatandaang kamakailan lamang ay sunod-sunod ang paglindol na naranasan sa iba't ibang bahagi ng bansa
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Ipinahayag ni Governor Sol Aragones ng Laguna na pansamantalang walang face-to-face classes sa buong probinsya bilang hakbang sa pag-iingat sa gitna ng sunod-sunod na lindol na nararanasan sa bansa.

Source: Facebook
Ayon kay Gov. Aragones, ang desisyong ito ay hindi basta-basta ginawa kundi dumaan sa masusing konsultasyon sa mga kaukulang ahensya. “Dumaan ito sa konsultasyon kinausap natin ang mga heads ng DepEd, ng disaster at maraming pang iba. Kasi may dadaanan na mga fault line dito sa amin sa Laguna, ‘yung mga binanggit ko kahapon lalo na sa first at second district ay maraming fault line na dadaanan,” ani gobernadora.
Dagdag pa niya, “Kaya nagdesisyon kami dahil holiday na rin naman, towards the end of October, at the same time dahil matindi rin ang pangamba ng mga magulang lalo na matataas din ang building, mga school buildings dito sa amin, nagdesisyon na kami. Preemptive kumbaga nakakatakot na may mangyari ang mga bata ay nasa eskwelahan kapag lumindol at base sa resulta ng konsultasyon mas minabuti namin na suspendihin ang face-to-face classes.”
Nilinaw rin ni Gov. Aragones na hindi ito nangangahulugang bakasyon para sa mga mag-aaral. “Tiniyak namin na may gagawin ang mga bata kaya gagawin nating modular, o kaya naman ay online class,” aniya.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Binanggit din ng gobernadora ang kahalagahan ng kaligtasan kaysa sa anumang pagkawala ng oras sa pag-aaral. “Yung maiiwan ng konti sa pag-aaral, maihahabol natin ‘yun e. Pero ‘yung buhay nung tao kapag may nangyari, hindi natin maibabalik ‘yun,” saad ni Aragones.
Sa huli, iginiit ng gobernadora ang bigat ng kanilang desisyon. “Ang bagyo, napaghahandaan natin pero ang lindol, hindi natin alam kung kailan tatama,” ani pa ni Gov. Aragones habang nananawagan sa publiko na manatiling alerto at makiisa sa mga hakbang ng pamahalaang panlalawigan para sa kaligtasan ng lahat.
Sa isang social media post, makikitang nagsimula na rin si Aragones na mag-inspeksyon ng mga paaralan bilang bahagi ng sinasabi niyang hakbang upang matiyak ang mga papasok sa eskwelahan.
Narito ang kabuuan ng kanyang naging pahayag mula sa DZMM Teleradyo/ ABS-CBN News:
Noong Oktubre 13 at 14, 2025, pansamantalang sinuspinde ng Department of Education (DepEd) ang mga face-to-face classes sa buong National Capital Region (NCR) bilang hakbang sa pag-iingat laban sa pagtaas ng mga kaso ng influenza-like illnesses (ILI) o mga sakit na may sintomas na katulad ng trangkaso. Ayon sa DepEd-NCR, napansin ang pagdami ng mga mag-aaral at teachers na nagkakaroon ng lagnat, ubo, at sipon, kaya minabuting ipatigil muna ang pisikal na klase upang maiwasan ang mas malawak na pagkalat ng impeksiyon. Nilinaw naman ng Department of Health (DOH) na walang bagong virus na umiikot sa bansa at ang mga kaso ng ILI ay dulot ng karaniwang mga respiratory virus tulad ng influenza A, rhinovirus, at enterovirus. Sa katunayan, mas mababa pa raw ng walong porsyento ang bilang ng ILI cases ngayong taon kumpara noong nakaraang taon. Gayunman, isinagawa pa rin ang suspensyon bilang bahagi ng preventive measures at upang mabigyan ng panahon ang mga paaralan na magsagawa ng disinfection at general cleaning.
Kasabay ng hakbanging ito, ginamit din ng mga paaralan ang dalawang araw upang magsagawa ng structural inspection ng mga gusali matapos ang mga kamakailang lindol sa bansa. Pinayuhan ng DepEd ang mga lokal na pamahalaan at pribadong paaralan na magpatupad din ng katulad na mga hakbang kung kinakailangan, ngunit pinayuhan din silang huwag pahabain nang labis ang suspensyon upang hindi maantala ang proseso ng pagkatuto. Sa halip, inatasan ang mga teachers na gumamit ng alternatibong pamamaraan ng pagtuturo gaya ng online at modular learning. Patuloy namang minomonitor ng DOH ang sitwasyon sa pamamagitan ng sentinel surveillance upang masubaybayan ang galaw ng mga respiratory illness. Sa kabuuan, layunin ng dalawang-araw na suspensyon ng klase na tiyaking ligtas ang mga mag-aaral at kawani ng paaralan habang pinangangalagaan ang tuloy-tuloy na daloy ng edukasyon sa kabila ng mga hamong dulot ng panahon ng trangkaso.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh