Mahigit 6,000 estudyante sa Malaysia, tinamaan ng Influenza; ilang paaralan, ipinasara
- Tinatayang mahigit 6,000 ng mga mag-aaral sa Malaysia ang tinamaan ng influenza
- Dahil dito, ilang paaralan nila ang nagsara bilang bahagi ng kanilang hakbang upang mapangalagaan ang kalusugan ng mga estudyante at mga teachers
- Samantala, ilang paaralan naman sa nasabing bansa ang nagpatupad ng pagsusuot ng face mask upang mabawasan ang paglaganap ng nasabing sakit
- Sa Pilipinas, nagtalaga ng dalawang araw na health break ang Department of Education dahil na rin sa Influenza-like illness na sinasabing lumalaganap ngayon
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Mahigit 6,000 estudyante sa Malaysia ang tinamaan ng influenza, dahilan upang ipasara ang ilang paaralan bilang hakbang para maprotektahan ang kaligtasan ng mga bata at mga teachers, ayon sa opisyal ng Ministry of Education ng nasabing bansa.
Sa ulat ng Reuters, nasabi ni Director General Mohd Azam Ahmad, handa na ang mga awtoridad sa pagtugon sa naturang sitwasyon dahil sa karanasan ng bansa sa COVID-19 pandemic.
“We have reminded schools to follow these guidelines, encouraging the use of face masks and reducing large group activities among students," pahayag ni Azam Ahmad.
Bagama’t hindi tinukoy kung ilang paaralan ang pansamantalang ipinasara, sinabi ni Ahmad na ang mga kaso ng trangkaso ay naitala sa iba’t ibang rehiyon sa buong bansa.
Ayon sa ulat ng South China Morning Post, kinumpirma ng Ministry of Health na umakyat sa 97 influenza clusters ang naitala nitong nakaraang linggo mula sa 14 lamang noong nakaraang linggo at karamihan sa mga ito ay nagmula sa mga paaralan at kindergarten.
Patuloy namang pinaaalalahanan ng pamahalaan ang mga magulang at teachers na mag-ingat at sundin ang mga health protocol upang maiwasan ang karagdagang pagkalat ng sakit.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Samantala, narito ang karagdagang ulat mula sa GMA News:
Noong Oktubre 13 at 14, 2025, pansamantalang sinuspinde ng Department of Education (DepEd) ang mga face-to-face classes sa buong National Capital Region (NCR) bilang hakbang sa pag-iingat laban sa pagtaas ng mga kaso ng influenza-like illnesses (ILI) o mga sakit na may sintomas na katulad ng trangkaso. Ayon sa DepEd-NCR, napansin ang pagdami ng mga mag-aaral at teachers na nagkakaroon ng lagnat, ubo, at sipon, kaya minabuting ipatigil muna ang pisikal na klase upang maiwasan ang mas malawak na pagkalat ng impeksiyon. Nilinaw naman ng Department of Health (DOH) na walang bagong virus na umiikot sa bansa at ang mga kaso ng ILI ay dulot ng karaniwang mga respiratory virus tulad ng influenza A, rhinovirus, at enterovirus. Sa katunayan, mas mababa pa raw ng walong porsyento ang bilang ng ILI cases ngayong taon kumpara noong nakaraang taon. Gayunman, isinagawa pa rin ang suspensyon bilang bahagi ng preventive measures at upang mabigyan ng panahon ang mga paaralan na magsagawa ng disinfection at general cleaning.
Kasabay ng hakbanging ito, ginamit din ng mga paaralan ang dalawang araw upang magsagawa ng structural inspection ng mga gusali matapos ang mga kamakailang lindol sa bansa. Pinayuhan ng DepEd ang mga lokal na pamahalaan at pribadong paaralan na magpatupad din ng katulad na mga hakbang kung kinakailangan, ngunit pinayuhan din silang huwag pahabain nang labis ang suspensyon upang hindi maantala ang proseso ng pagkatuto. Sa halip, inatasan ang mga teachers na gumamit ng alternatibong pamamaraan ng pagtuturo gaya ng online at modular learning. Patuloy namang minomonitor ng DOH ang sitwasyon sa pamamagitan ng sentinel surveillance upang masubaybayan ang galaw ng mga respiratory illness. Sa kabuuan, layunin ng dalawang-araw na suspensyon ng klase na tiyaking ligtas ang mga mag-aaral at kawani ng paaralan habang pinangangalagaan ang tuloy-tuloy na daloy ng edukasyon sa kabila ng mga hamong dulot ng panahon ng trangkaso.
Source: KAMI.com.gh