Netizen tinanong si Korina tungkol sa buradong panayam, broadcaster may matapang na sagot
- Korina Sanchez sinagot ang komento ng netizen tungkol sa pagbura ng panayam niya kay Sarah Discaya
- Giit niya, policy daw na burahin lahat ng interviews ng mga kandidato matapos ang eleksiyon
- Binigyang-diin ni Korina na hindi siya guilty at naresolba na ito ng kanyang production team
- Viral ang usapan kasunod ng pahayag ni Mayor Vico Sotto laban sa umano’y paid interviews
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Mainit pa rin ang diskusyon sa social media tungkol sa kontrobersiyal na panayam ni veteran broadcaster Korina Sanchez kay Sarah Discaya matapos itong burahin online. Sa harap ng mga paratang, diretsahang sinagot ni Korina ang isang netizen na kumuwestiyon kung bakit biglang nawala ang video ng nasabing interview.

Source: Instagram
Ang isyu ay sumiklab matapos ang post ni Pasig City Mayor Vico Sotto, na nagbabala laban sa mga “paid interviews” umano ng ilang beteranong broadcaster kasama ang mga contractor na balak pumasok sa politika. Kasama sa ipinost niyang screenshot ang mga panayam nina Julius Babao at Korina Sanchez kay Discaya.
Sa kanyang komento, nilinaw ni Korina ang dahilan sa pagkakabura ng kanyang panayam. “It is policy that ALL interviews of candidates be deleted. Does that [answer] your question?” tugon niya sa isang netizen. Hindi rin siya pinalagpas na banatan ang kumakalat na alegasyon ng “Php 10 million” bayad para sa panayam, bagay na una na niyang itinanggi.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Dagdag pa rito, isa pang netizen ang naghamon kay Korina na diretsahang sagutin ang mga alegasyong matagal nang ibinabato laban sa kanya. Aniya, tila palagi raw umiiwas ang broadcaster at hindi direktang kinakaharap ang mga isyu, bagay na ayon sa kanya ay nakakasira na sa kredibilidad ni Sanchez.
Hindi nagpatinag si Korina at mariing itinanggi na may mali siyang ginawa. Ipinaalala rin niya na nagsalita na ang kanyang production team at naglabas ng matibay na sagot sa paratang. “I am not guilty of doing anything wrong,” aniya.

Source: Instagram

Source: Instagram
Si Korina Sanchez ay isa sa pinakakilalang broadcast journalists sa bansa. Nakilala siya sa kanyang matagal na paninilbihan sa ABS-CBN bilang anchor at host ng iba’t ibang public affairs at news programs. Kilala rin siya sa kanyang lifestyle show na “Rated K” at sa iba pang proyekto sa telebisyon. Ngunit tulad ng ibang personalidad sa media, hindi rin siya nakaligtas sa mga kontrobersiya, lalo na pagdating sa isyu ng kredibilidad at ugnayan sa mga politiko.

Read also
Bea Borres, inaming muntik ipatanggal ang supling; subalit nakatanggap ng ilang signs kay God
Sa gitna ng isyu ng paid interviews, muling nasusubok ang tiwala ng publiko sa kanya at sa mga kapwa mamamahayag. Ang kanyang matapang na sagot sa netizens ay bahagi ng pagtatangkang linawin na hindi siya sangkot sa anumang pananamantala o suhulan.
Isa sa mga personalidad na nagsalita tungkol sa paratang ni Mayor Vico ay ang beteranong broadcaster na si Arnold Clavio. Ayon kay Clavio, mabigat ang paratang at hindi dapat binibitawan nang walang sapat na ebidensya. Dagdag niya, mahalaga pa ring kilalanin ang papel ng media sa pagbibigay ng impormasyon, at hindi makatarungang agad husgahan ang lahat ng mamamahayag dahil sa ilang alegasyon.
Samantala, naiulat din kamakailan na mismong ang video ng panayam ni Korina kay Sarah Discaya ay tuluyan nang nabura online. Ayon sa ulat, ang pagkakabura ng interview ang lalong nagpasiklab ng diskusyon at haka-haka sa social media, lalo na sa mga netizens na nakasubaybay sa isyu ng paid interviews. Bagama’t iginiit ni Korina na ito ay bahagi ng policy ng kanilang programa, marami pa ring naniniwala na may mas malalim na dahilan.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh