Video ng interview ni Korina Sanchez kay Sarah Discaya, burado na ayon sa BALITA

Video ng interview ni Korina Sanchez kay Sarah Discaya, burado na ayon sa BALITA

  • Tinanggal na sa YouTube channel ng Net25 ang panayam ni Korina Sanchez kay dating Pasig mayoral candidate Sarah Discaya
  • Wala pang paliwanag mula sa network o kay Korina kung bakit inalis ang nasabing interview
  • Nadawit ang pangalan ni Korina sa isyung binanggit ni Mayor Vico Sotto tungkol sa mga mamamahayag na umano’y bayad para kapanayamin ang kanyang katunggali
  • Nanatili pa rin online ang interview ni Julius Babao kina Sarah at Curlee Discaya, ngunit nakasara na ang comment section
France Abanilla Diaz on Facebook
France Abanilla Diaz on Facebook
Source: Facebook

Hindi na mapapanood sa programa ni Korina Sanchez ang panayam niya kay dating Pasig City mayoral candidate Sarah Discaya.

Sa pagbisita ng Balita sa YouTube channel ng Net25, hindi na rin makita ang video ng interview na pinamagatang “A Victim of Bullying, Now a Politician.”

Wala pang inilalabas na paliwanag ang network o si Korina kung bakit bigla itong nawala.

Matatandaan na naging sentro ng usapan ang broadcaster matapos madawit ang kanyang pangalan sa pahayag ni Pasig City Mayor Vico Sotto tungkol sa ilang mamamahayag na umano’y tumanggap ng bayad para kapanayamin ang kanyang katunggali noong 2025 midterm elections.

Read also

Video ng kulitan nina Marian Rivera, Judy Ann Santos, at Gladys Reyes, viral

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Bagama’t walang binanggit na pangalan si Sotto, kalakip sa kanyang Facebook post ang screengrab mula sa panayam ni Korina kay Discaya.

Samantala, nananatili pa rin online sa YouTube channel ni Julius Babao ang panayam niya kina Sarah at sa asawa nitong si Curlee, ngunit nakasara na ang comment section.

Habang isinusulat ang ulat, umabot na sa mahigit 913,000 views ang nasabing video.

Bukod kay Korina, nadawit din ang pangalan ni Julius sa parehong isyu.

Gayunpaman, kapwa sila naglabas ng pahayag upang itanggi ang mga akusasyong ibinabato laban sa kanila.

Sa ngayon, hinihintay pa ng publiko ang mas malinaw na sagot mula sa mga personalidad na sangkot sa kontrobersya.

Basahin ang ulat ng BALITA dito upnag malaman ang iba pang detalye tungkol sa ulat na ito.

Ang mga balita, larawan, o video na nakakaantig ng interes ng mga netizen ay madalas nagiging viral sa social media dahil sa atensyon na ibinibigay ng publiko. Ang ganitong mga post ay kadalasang tumatama sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maaari rin itong mangyari sa mga karaniwang tao, na mas nagiging relatable sa marami.

Read also

Arnold Clavio, nagbigay ng matinding pahayag laban sa akusasyon ni Vico Sotto

Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlo ay walang-awang pinagbabaril hanggang mamatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa kanilang tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone mula sa biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV 5 na “Frontline Pilipinas,” nagsimulang makatanggap ng pagbabanta ang pamilya matapos nilang pautangin ng P1-M ang isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na guro sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang paulit-ulit na sinaksak ng sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardiya ang paaralan ngunit dahil kilala ang suspek sa lugar, madali nitong nagawang makapasok at makalabas. Ayon sa suspek, pumunta siya roon upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)

Tags: