Anak ng baka sa Batangas, isinilang na may dalawang ulo
- Isang bihirang kaso ng hayop na may dalawang ulo ang naitala sa Taysan, Batangas matapos manganak ang isang baka ng anak na may dalawang ulo, bagay na ikinagulat ng matagal nang magsasaka na si Resting Ramos
- Dahil sa hindi karaniwang laki ng ulo ng isinilang na hayop, nahirapan ang inang baka sa panganganak kaya’t napilitan si Mang Resting na humingi ng tulong mula sa Department of Agriculture upang maisalba ang kanyang alaga
- Ayon kay Agricultural Officer Tito Ortega, ang kondisyon ay tinatawag na bicephaly, isang uri ng polycephaly na nagaganap kapag hindi lubos na nagkakahiwalay ang embryo habang sinusubukang bumuo ng kambal
- Sa kabila ng matinding pag-aalaga at pagtutok ng mga opisyal, hindi nagtagal ang buhay ng hayop at ito ay pumanaw ilang minuto matapos maisilang, ngunit nagpapasalamat pa rin ang magsasaka na unti-unting nakakabawi ang inang baka mula sa komplikasyon
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Isang hindi pangkaraniwang kaganapan ang gumulat sa mga residente ng Taysan, Batangas kamakailan nang isinilang ang anak ng baka ni Resting Ramos na may dalawang ulo.

Source: Facebook
Sa mahigit 50 taon niyang karanasan bilang magsasaka, ngayon lamang siya nakaranas ng ganitong uri ng kapanganakan. Ayon kay Mang Resting, napansin niyang hirap manganak ang kanyang baka kaya agad siyang humingi ng tulong.
Dumating si Agricultural Officer Tito Ortega mula sa Department of Agriculture upang tumulong sa sitwasyon. Ayon sa kanya, hindi normal ang laki ng ulo ng sanggol na hayop kaya nahirapan itong lumabas. Matapos ang maingat na paghila, bumungad sa kanila ang anak ng baka na may dalawang ulo — parehong may sariling mukha, ngunit iisang katawan lamang.
Nagulat at nahabag ang mga nakasaksi sa pambihirang pangyayaring ito. Ngunit sa kabila ng pagkakasilang, hindi rin nagtagal ang buhay ng hayop. Ilang minuto lamang matapos maisilang ay pumanaw ito at agad na inilibing ng magsasaka katuwang ang mga kinauukulan. Mabigat man ang loob, nagpapasalamat si Mang Resting na ligtas ang kanyang inang baka at unti-unti na itong nakakarekober.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ang kondisyong tinatawag na polycephaly ay isang napakabihirang genetic anomaly kung saan ang isang hayop ay ipinapanganak na may higit sa isang ulo. Kapag dalawang ulo lamang ang nade-develop sa isang katawan, tinatawag ito bilang bicephaly. Nangyayari ito kapag sinubukan ng fertilized egg na maghati upang bumuo ng kambal, ngunit hindi naging ganap ang paghihiwalay. Dahil dito, nabubuo ang dalawang ulo sa iisang katawan, na maaaring may magkahiwalay na utak, mukha, at kontrol sa katawan. Sa karamihan ng kaso, hindi nagtatagal ang buhay ng mga hayop na may ganitong kondisyon dahil sa komplikasyon sa mga internal organs at kakayahan nilang makakilos o makakain.
Noong 2019, naging viral sa social media ang isang aso na may kakaibang itsura na mistulang estatwa. Sa ulat ng Kami.com.ph, maraming netizens ang humanga sa kakaibang itsura ng nasabing aso kahit ito’y may facial deformity. Sa halip na pandirihan, pinuri pa ang kanyang amo sa pagpapakita ng pagmamahal at malasakit sa hayop. Isa itong paalala na ang kakaibang anyo ay hindi hadlang sa pagiging mahalaga.

Read also
Umano'y dating miyembro ng PH Marines, nag-amok; namaril ng mga kabataang kumakain sa karinderya
Samantala, sa Sultan Kudarat naman, isang biik na isinilang na may dalawang bibig, dalawang ilong, at tatlong mata ang pinagkaguluhan ng mga residente. Ayon sa ulat ng Kami.com.ph, itinuturing din itong genetic deformity na resulta ng hindi normal na pag-develop ng embryo. Tulad ng kaso sa Batangas, naging sentro ito ng usapan sa komunidad at sa social media, kung saan marami ang na-curious at nahabag sa sinapit ng hayop.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh