Kakaibang aso, pinagkaguluhan online dahil sa itsura nitong mukhang istatwa

Kakaibang aso, pinagkaguluhan online dahil sa itsura nitong mukhang istatwa

- Agaw eksena ang asong si Piper dahil sa tanong ng karamihan kung totoo raw ba ito

- Nag-viral ang larawan nitong mukhag istatwa dahil sa 'hairless' ang naturang aso

- Nilinaw ng may-ari ng aso na totoo itong Mexican Hairless Dog na may kakaiba ring tawag na Xoloitzcuintli

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kinagiliwan at tila namangha pa ang ilang netizens sa nag-viral na larawan ni Piper, isang Mexican Hairless Dog na kung tawagin ay Xoloitzcuintli.

Gaya ng kanyang pangalan, kakaiba talaga itong si Piper dahil sa wala itong buhok sa katawan kaya naman tanong ng netizens, "Totoo ba yan?"

Ayon sa Ladbible, isang 22 taong gulang na medical student ang nagma-may-ari kay Piper. Siya ay si Sandra Pineda na taga- Quezon city.

Kwento ni sandra dalawang buwan lamang si Piper at "oo" ang sagot niya sa mga tanong kung totoo ba ito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

"It was so funny to see all these compliments coming through of people thinking Piper was a statue," ayon kay Sandra.

Para sa kanya, isang 'complement' na maituturing ang pagsasabing mukhang istatwa ang kanyang aso. Nanganghulugan lamang na tila 'work of art' ang kanyang alaga.

At para mapanatiling malusog at makinis ang balat ng kanyang nakakamanghang aso, pinapahiran niya ito ng virgin coconut oil.

"We use a mild dog shampoo on her, and after baths she gets lathered up in virgin coconut oil to keep her skin moisturised and shiny," dagdag pa ni Sandra.

Ayon pa kay Sandra, may ilang mga taong tila ayaw din sa asong gaya ni Piper. Ngunit paliwanag ni Sandra, sana ay mabigyan din ng pagkakataon ang asong gaya ng kanyang alaga na kahit kakaiba ay mahalin din tulad ng ibang pangkaraniwang aso.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Can't get over with the latest Chambe dance challenge? KAMI tried it with a low-budget version but still with a bang!

Chambe Hit Song - Our Low-Budget Version | HumanMeter on KAMI YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Zoren Legaspi reveals that twins Mavy and Cassy Legaspi are still confused in joining showbiz officially

Zoren Legaspi reveals that twins Mavy and Cassy Legaspi are still confused in joining showbiz officially

Zoren Legaspi reveals that twins Mavy and Cassy are still confused in joining showbiz officially
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel