Biik na may dalawang bibig at ilong at may tatlong mata, pinagkaguluhan sa Sultan Kudarat

Biik na may dalawang bibig at ilong at may tatlong mata, pinagkaguluhan sa Sultan Kudarat

- Kakaibang biik ang sinilang sa isang barangay sa Sultan Kudarat

- Pinagkaguluhan ito dahil sa sinasabing magdadala raw ito ng swerte ngayong 'Year of the pig'

- Babala ng beterinaryo, di rin nagtatagal ang may ganitong kalagayan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pinagkaguluhan sa Tacurung city ang isang kapapanganak pa lamang na biik na may kakaibang itsura.

Ayon sa ABS-CBN news, pampito umano ang biik na may dalawang ilong, dalawang bibig at tatlong mga mata.

Sa unang tingin, aakalain mong edited lamang ang litrato ng baboy na ito.

Nalaman ng KAMI maging ang may-ari ng inahing baboy na si Adelita Dalipe ay labis na nagtaka sa kinalabasan ng itsura ng biik na ito.

Polycephaly daw ang kondisyon ng biik ayon sa beterinaryong si Allan Alimajen Jr. Di raw nagkahiwalay ang sperm cell na dapat ay isa pang tao kaya ganito ang naging itsura ng biik.

Paalala rin ng vet na karaniwang di nagtatagal ang buhay ng may ganitong kondisyon mapa-hayop man o tao.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Samantala, sa kabila ng kondisyon na ito ng biik, binigyang halaga pa rin ito ng may-ari. Katunayan, pinangalanan pa nila ito ng Mara Clara.

Masigla naman daw ito ngunit di gaanong makalakad marahil sa bigat ng kanyang ulo.

Inihiwalay na rin ito sa kanyang mga kapatid upang di ito masaktan.

Dahil 'Year of the pig' ngayon, pinaniniwalaang maaring magdala ng swerte ang biik na ito.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: Dropping Wallet in Quiapo and Cubao | HumanMeter

A social experiment testing people's honesty was done in Quiapo and Cubao. The experiment was done by dropping a wallet on purpose to find out how many of the respondents would return it.

Click the play button and restore your faith in humanity.

Source: Kami.com.ph

Related news
Lalaking may sakit sa puso, umakyat pa rin ng entablado para sa kanyang pagtatapos

Lalaking may sakit sa puso, umakyat pa rin ng entablado para sa kanyang pagtatapos

Lalaking may sakit sa puso, umakyat pa rin ng entablado para sa kanyang pagtatapos
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel