Pura Luka Vega, acquitted sa kasong paglabag sa Article 201 at Cybercrime Act
- Napawalang-sala si drag performer Pura Luka Vega sa kasong isinampa laban sa kanya kaugnay ng kanyang kontrobersyal na drag performance ng “Ama Namin”
- Sa desisyong inilabas noong Hunyo 10, 2025, sinabi ng hukom na kahit maaaring offensive o disrespectful ang performance para sa ilan, hindi ito maituturing na labag sa Article 201 ng Revised Penal Code at Republic Act No. 10175 o Cybercrime Prevention Act
- Isa sa mga testigo ng depensa ay isang propesor sa Unibersidad ng Pilipinas na nagsabing ang sining ay walang limitasyon
- Ayon kay Pagente, layunin ng kanyang performance na ipakita kung paano maaaring yakapin ni Jesus ang LGBTQIA+ community, at ipinunto ng korte na hindi ito nakita bilang malaswa kundi bahagi ng pinalabis na kilos sa isang drag show na may artistic na layunin
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Isang malaking panalo para sa drag performer na si Amadeus Fernando Pagente, mas kilala bilang Pura Luka Vega, matapos siyang inabswelto ng Manila Regional Trial Court Branch 184 kaugnay ng kanyang performance ng “Ama Namin” song sa isang drag show.

Source: Instagram
Ayon sa desisyon ni Presiding Judge Czarina Samonte‑Villanueva noong Hunyo 10, 2025, nabigo ang prosekusyon na magpatunay na lumabag si Pagente sa batas—lalo na sa Article 201 ng Revised Penal Code at sa Cybercrime Prevention Act
Sinabi ng korte na maaaring magdulot ng pagkasuklam o pagiging offensive ang performance, pero wala itong ebidensya upang patunayan na ito ay “indecent or immoral play, scene, act or show” na ipinagbabawal ng batas
Tinukoy din ng korte na walang matibay na paglabag sa “public order, moral and good customs” dahil sa kanyang interpretasyon bilang isang artistic expression.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Sa legal na laban, nagbigay ng mahahalagang testimonya ang University of the Philippines art professor na si Lisa Ito‑Tapang. Ayon sa kanya, walang hadlang ang teoryang sining at ang kaso laban kay Pagente ay nagdulot ng chilling effect sa mga artist . Mula sa sariling pahayag naman ng drag artist, malinaw ang kanyang intensiyon: ipakita ang pagtanggap kay Jesucristo sa LGBTQIA+ community. “Kung naririto si Jesus ngayon, tatanggapin niya tayo,” ani ni Pagente.
Nagbigay bilin ang korte kay Pagente: maging maingat sa mga future performances. Hindi ito pararusahan, bagkus isang paalala upang mapanatili ang respeto at malasakit sa publiko, lalo na sa mabilis na pag-circulate ng mga video sa social media. Dahil dito, nairelease na rin ang bond na P72,000 post-decision .
Sumiklab ang kontrobersiya noong 2023 nang magsagawa si Pura Luka ng drag rendition ng “Ama Namin” sa Manila Pride. Mabilis itong nauwi sa mga reklamo at pagsampa ng kaso laban sa kanya dahil sa paggamit ng holy words sa isang show—na tinawag ng ilang grupo bilang blasphemous
Noong Oktubre 2023, muling narehistro bilang warrant ang pagkakaresto kay Pura Luka matapos ang kanyang drag rendition sa “Ama Namin” sa isang Pride event. Kinuwestiyon ng mga grupo ang kanyang paggamit ng religious lyrics para sa entertainment, kaya nabuo ang bagong kaso
Noong Oktubre 2023, matatandaang pinakawalan si Pura Luka matapos mag-post ng ₱360,000 na bail sa Quezon City Regional Trial Court. Mula rito, napanatili ang matibay na backing mula sa LGBTQIA+ community at influencers habang nagpapatuloy ang kaniyang legal na laban.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh