Boy Tapang, kusang sumuko matapos isyuhan ng arrest warrant kaugnay ng kasong RA 9262

Boy Tapang, kusang sumuko matapos isyuhan ng arrest warrant kaugnay ng kasong RA 9262

- Kusang sumuko si Boy Tapang sa mga pulis matapos ang paglalabas ng warrant of arrest para sa kasong RA 9262

- Inaresto siya sa Cebu City ng mga operatiba mula sa Cebu City Police Office nitong Biyernes, Mayo 30, 2025

- Pinayagan siyang makapagpiyansa ng halagang P72,000 habang nagpapatuloy ang kaso

- Kinasuhan siya kaugnay ng diumano’y pananakit sa kanyang live-in partner

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Usap-usapan ngayon sa social media ang sikat na vlogger at content creator na si Ronie Suan, mas kilala bilang Boy Tapang, matapos siyang boluntaryong sumuko sa mga awtoridad kaugnay ng kasong paglabag sa Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 (RA 9262). Ang nasabing kaso ay may kaugnayan umano sa kanyang live-in partner na diumano'y kanyang sinaktan, ayon sa naunang ulat.

Boy Tapang, kusang sumuko matapos isyuhan ng arrest warrant kaugnay ng kasong RA 9262
Boy Tapang, kusang sumuko matapos isyuhan ng arrest warrant kaugnay ng kasong RA 9262 (📷Boy Tapang Vlogs/Facebook)
Source: Facebook

Bandang 12:15 ng tanghali noong Biyernes, Mayo 30, 2025, naaresto si Suan sa JD Veyra Street, Barangay Carreta, Cebu City. Ang operasyon ay pinangunahan ng City Intelligence Unit ng Cebu City Police Office sa pamumuno ni PCapt Christopher Irwin Sanchez. Ayon sa mga otoridad, hindi na nanlaban pa si Suan at mahinahong sumama sa kanila bilang pagsunod sa kautusan ng korte.

Ang warrant of arrest ay inilabas ni Judge Maria Ella Cecilia Dimaandal Dumlao-Escalante ng Regional Trial Court Branch 143 sa Cainta, Rizal, noong Mayo 26, 2025. Batay sa legal na proseso, pinayagan ang vlogger na magpiyansa ng halagang ₱72,000 upang pansamantalang makalaya habang nililitis pa ang kaso.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ang kanyang pagkakaaresto ay bahagi ng isinasagawang Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO) sa rehiyon ng Central Visayas. Layunin ng programang ito na tugisin ang mga indibidwal na may nakabinbing arrest warrants upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa mga komunidad.

Si Suan, na kilala sa kanyang matapang at brusko na imahe sa kanyang mga vlog, ay ngayon ay humaharap sa seryosong usapin sa batas. Patuloy pa rin ang paalala ng mga awtoridad na ang batas ay para sa lahat—sikat man o hindi, kailangang managot sa batas ang sinumang mapatutunayang nagkasala.

Habang nagpapatuloy ang imbestigasyon, haharap si Boy Tapang sa korte para pormal na sagutin ang mga paratang laban sa kanya.

Si Ronie Suan o mas kilala bilang Boy Tapang ay isang kilalang Pinoy vlogger mula sa Cebu na sumikat dahil sa kanyang matapang na personalidad at mga viral na video. Nakilala siya sa paggawa ng mga content na may halong katatawanan, kabangisan, at kakaibang estilo ng pagsasalita. Sa kabila ng kasikatan online, ilang ulit na ring nasangkot sa kontrobersya ang kanyang pangalan.

Sa ulat na ito, kinumpirma ng mga otoridad na inaresto si Boy Tapang dahil sa reklamo ng pananakit na isinampa ng kanyang kinakasama. Ayon sa ulat, matagal na umanong nakararanas ng domestic abuse ang babae, kaya’t nauwi ito sa pagsasampa ng kaso sa ilalim ng RA 9262.

Matapos pumutok ang balita ng kanyang pagkakaaresto, agad namang itinanggi ni Boy Tapang ang mga alegasyon laban sa kanya. Sa isang pahayag, sinabi niyang wala siyang ginawang pananakit at handa siyang harapin ang kaso para mapatunayang wala siyang kasalanan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate