Ara Davao, ibinahagi ang larawan ng lola at ama: "Our Angels"

Ara Davao, ibinahagi ang larawan ng lola at ama: "Our Angels"

- Ibinahagi ni Ara Davao ang larawan ng kanyang lola at ama na parehong namayapa na

- Matatandaang kamakailan lamang ay pumanaw ang 'Asia's Queen of Songs' na si Pilita Corrales

- Makalipas lamang ang ilang araw, namayapa na rin ang batikang aktor na si Ricky Davao

- Si Ara ay isa ring aktres na anak nina Ricky at Jackie Lou Blanco

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Sa kanyang social media post, ibinahagi ni Ara Davao ang larawan ng kanyang lola na si Pilita Corrales at kanya namang ama na si Ricky Davao.

Ara Davao
Ara Davao, ibinahagi ang laranwan ng lola at ama: "Our Angels" (Ara Davao)
Source: Facebook

Matatandaang Abril 12 nang pumanaw ang tinaguriang 'Asia's Queen of Songs' na si Pilita.Matatandaang Abril 12 nang pumanaw ang tinaguriang 'Asia's Queen of Songs' na si Pilita.

At ngayon lamang Mayo 2, sumakabilang buhay naman ang kilala at respetadong aktor na si Ricjy Davao sa edad na 63

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Dahil dito, "Our Angels" ang caption ni Ara sa larawan ng dalawang mahal niya sa buhay na namayapa na.

Read also

Girlfriend ni Ricky Davao, nagbahagi ng madamdaming mensahe sa pagpanaw ng aktor

Samantala, sa hiwalay na post, ibinahagi ni Ara ang detalye ukol sa pagpanaw ng ama.

"It is with great sadness that we announce the passing of our beloved father, Ricky Davao. He passed away peacefully, surrounded by his children and loved ones, after bravely facing comlications related to cancer," ayon sa post ni Ara.

"For more than four decades, he dedicated his life to the craft of acting and directing. His remarkable body of work and award-winning performances have left a lasting legacy that will continue to inspire. Most of all, he was a loving father, brother, son and friend," pagpapatuloy pa nito.

Sa ngayon, wala pa umanong detalye ukol sa memorial services para kay Ricky na inaasang maibabahagi sa mga susunod na araw.

Samantala, narito ang nasabing larawan na naibahagi rin ng Inquirer.net:

Si Ricky Davao na may tunay na pangalang Frederick Charles Caballes Davao ay isang kilalang aktor at direktor sa industriya ng showbiz sa Pilipinas. Si Ricky ay unang ikinasal sa aktres na si Jackie Lou Blanco noong 1989, at nagkaroon sila ng tatlong anak. Bagamat nagkahiwalay sila, nagkasama muli sila sa teleseryeng I Can See You: AlterNate noong 2021, kung saan ginampanan nila ang mag-asawa.​

Read also

Ara Davao, emosyonal na inanunsyo ang pagpanaw ng ama na si Ricky Davao

Ang isa sa kanilang mga anak na si Ara Davao ay sumabak na rin sa mundo ng pag-arte. Katunayan, naging bahagi siya ng seryeng Batang Quiapo kung saan ginampanan niya ang karakter na si 'Katherine Caballero. Labis ang kanyang pasasalamat sa programa na bagama't napaslang ang kanyang karakter, napagkatiwalaan umano siyang maging bahagi ng isang seryeng pinakaabangan ng marami gabi-gabi.

Samantala, ang lola naman ni Ara na si Pilita Corrales na ina ni Jackie Lou Blanco ay pumanaw noong Abril 12. Gumulantang sa publiko sa pagpanaw ng tinaguriang "Asia's Queen of Songs." Payapang namaalam si Pilita na sinundan naman ng pagpanaw ng Superstar na si Nora Aunor at maging ang kilalang singer na si Hajie Alejandro. Tunay ngang nakagigimbal ang mga pangyayaring ito na sa unang mga buwan ng taong 2025, halos sunod-sunod ang pagpanaw ng mga kilalang personalidad sa loob at labas man ng bansa tulad na lamang ng Santo Papa na si Pope Francis na namayapa naman sa edad na 88.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica