Yanna, humingi ng tawad sa publiko: “Na-feel ko na po yung mundong maraming galit”

Yanna, humingi ng tawad sa publiko: “Na-feel ko na po yung mundong maraming galit”

-Humingi ng public apology si Yanna matapos ang pambabatikos sa kanya ng netizens dahil sa viral road rage vlog

-Ayon sa kanya, hindi nila naabutan si Mang Jimmy para sa personal na paghingi ng tawad kaya ginamit niya ang social media para mag-sorry

-Inako niya ang buong responsibilidad at sinabing natuto siya mula sa karanasan

-Nangakong magiging mas mahinahon at makikinig sa mga payo ng mas nakatatanda sa susunod

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Sa gitna ng matinding backlash mula sa netizens, naglabas ng emosyonal na public apology ang lady motovlogger na si Yanna kaugnay ng viral road rage video kung saan napanood siyang nakikipagbangayan umano sa isang driver na kinilalang si Mang Jimmy Pascual.

Yanna, humingi ng tawad sa publiko: “Na-feel ko na po yung mundong maraming galit”
Yanna, humingi ng tawad sa publiko: “Na-feel ko na po yung mundong maraming galit” (📷Yanna/Facebook)
Source: Facebook

Sa kanyang pahayag, inamin ni Yanna na hindi nila naabutan si Mang Jimmy sa bahay o trabaho nito para personal na humingi ng tawad, kaya ginamit na lamang niya ang social media para ipaabot ang kanyang paghingi ng paumanhin.

Read also

JV Ejercito, nagsalita sa viral road rage isyu: “We should never tolerate this kind of behavior”

“To grow is to be accountable,” saad ni Yanna, habang inamin niyang isa siyang patuloy na natututo sa kanyang pagiging rider. Dagdag pa niya, “Na-feel ko na po yung mundong maraming galit and ayoko na pong maulit 'yon.” Humingi rin siya ng tawad sa lungsod ng Zambales, sa riding community lalo na sa off-road riders, at sa lahat ng nadamay sa isyu. Nangako siyang magiging mas pasensyosa sa daan at makikinig sa payo ng mga mas nakatatanda sa kanya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Umani ng libo-libong reaksyon ang kanyang vlog at public apology, na ikina-init ng ulo ng maraming netizens dahil sa umano’y kawalan ng respeto ni Yanna sa isang mas nakatatandang motorista. Ang isyu ay umani rin ng reaksiyon mula sa ilang personalidad gaya ni Senador JV Ejercito, na agad na kumilos upang ipaabot ang insidente sa Department of Transportation at LTO para sa nararapat na aksyon.

Sa isang pahayag, sinabi ni Ejercito, “We should never tolerate this kind of behavior,” at nanawagan ng mas maayos na pag-uugali mula sa buong riding community.

Read also

Mariel Rodriguez, dedma na sa bashers ni Robin Padilla dahil aniya ay alam nya ang totoo

Ang mga insidente ng road rage ay karaniwang nauugat sa mainit na emosyon habang nagmamaneho o nagmomotorsiklo—galit, inip, o kawalan ng pasensiya. Sa Pilipinas, karaniwan itong nauuwi sa sagutan, physical confrontation, o pag-viral sa social media, lalo na kung may video na nakukunan ng insidente.

Sa panahon ngayon kung kailan mabilis kumalat ang impormasyon, minsan ay isang post lang ang kailangan upang tuluyang ma-expose ang hindi magandang asal sa kalsada. Sa kaso ni Yanna, nagsilbing paalala ito sa mga motorista na ang respeto at kababaang-loob sa daan ay mahalagang bahagi ng pagiging responsable sa kalsada.

Nilinaw ni Senador JV Ejercito na hindi kabilang si Yanna sa kanilang grupo ng ride na patungong Bicol matapos malink ang pangalan niya sa viral road rage issue. Ayon kay Ejercito, hiwalay ang grupo ni Yanna sa kanila at hindi dapat idamay ang kanyang pangalan. Aniya, wala siyang kinalaman sa naging asal ni Yanna sa video at patuloy niyang pinangangalagaan ang kanyang reputasyon bilang isang responsableng rider.

Read also

Jennica Garcia, humingi ng tulong para sa soundproofing: "Help this auntie"

Nagbigay ng matinding pahayag si Senador JV Ejercito laban sa road rage incident na kinasangkutan ni Yanna, at kanyang ipinaabot ang video sa DOTR Secretary para sa nararapat na aksyon. Nanawagan siya sa LTO na disiplinahin ang mga motoristang hindi sumusunod sa tamang asal sa daan. Inilahad din niya ang kahalagahan ng respeto lalo na kapag bumibisita sa mga probinsya kung saan mga lokal ang namumuhay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate