St Francis of Assisi Parish Cainta Rizal, naglabas ng pahayag kaugnay sa viral video
- Nag-viral ang video ng isang pari na sinigawan at pinaalis ang mga tindera ng palaspas sa labas ng simbahan sa Cainta
- Ayon sa simbahan, ilang beses nang pinakiusapan ang mga tindera na magbenta sa tamang lugar ngunit hindi ito sinunod
- Iginiit ng ilang parishioners na mabait at mapagbigay ang pari at ang insidente ay bunga ng matinding pagod at frustration
- Naglabas ng opisyal na pahayag ang simbahan na humihingi ng paumanhin at nanawagang magpokus sa dasal ngayong Mahal na Araw
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Umani ng atensyon at samu’t saring reaksyon sa social media ang isang video kung saan makikitang sinisigawan ng isang pari ang mga nagtitinda ng palaspas sa labas ng simbahan sa Cainta, Rizal nitong nakaraang Palm Sunday.

Source: Facebook
Ang insidente ay naganap sa St. Francis of Assisi Parish at kuha umano sa mismong araw ng palaspas kung saan inaasahan ang debosyon at katahimikan.
Sa video na nag-viral, maririnig ang tinig ng pari habang pinapaalis ang mga vendor na aniya ay nakaharang sa daanan na nakalaan para sa prusisyon. Ayon kay Jelma Masujer, isang manggagawa sa simbahan, ilang araw na bago ang Palm Sunday ay naabisuhan na ang mga tindera tungkol sa tamang lugar ng pagtitinda, ngunit ilan sa kanila ang hindi sumunod.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
“Emotions ran high after the vendors ignored earlier requests from the parish to sell only outside the church grounds,” paliwanag ni Masujer. Ipinunto rin niya na ang ilang nagtitinda ay nagtayo ng puwesto sa mga lugar na dapat sana’y daanan ng mga deboto. Bukod pa rito, may mga puna rin ukol sa kasuotan ng ilan sa mga nagtitinda na umano’y hindi akma sa banal na okasyon.
Dahil dito, hindi naiwasang mapuno ng emosyon ang pari, lalo pa’t nais lamang nilang maging maayos at mapayapa ang takbo ng programa para sa Palm Sunday. “The priest had already reminded them that the area was needed for the Palm Sunday procession and program,” dagdag pa ni Masujer.
Habang may mga netizens na agad humusga sa pari, ilang matagal nang parishioners ang dumipensa rito. Ayon sa kanila, kilala ang pari bilang isang mabait at mapagbigay na alagad ng simbahan. “The outburst came from frustration after repeated requests were ignored,” ayon sa isang parishioner. Nagpahayag din ng pagkadismaya ang ilan sa mabilis na pagkalat ng video na hindi raw nagpapakita ng buong pangyayari.
Kaugnay nito, agad namang naglabas ng opisyal na pahayag ang pamunuan ng simbahan. “The management explained that the full story was not shown in the viral video,” ayon sa kanilang salaysay. Humingi rin sila ng paumanhin sa sinumang nasaktan o nalito sa nasaksihang insidente.
Dagdag pa sa hakbang ng simbahan, nakipag-ugnayan na rin sila sa lokal na kapulisan upang masigurong magiging maayos at mapayapa ang pagpapatupad ng mga alituntunin sa loob at paligid ng simbahan. Nanawagan ang simbahan sa publiko na huwag nang ikalat pa ang video, bagkus ay pagtuunan na lang ng pansin ang kahalagahan ng Mahal na Araw.
Sa panahon ngayon kung kailan mabilis kumalat ang impormasyon sa social media, madalas ay nagiging batayan agad ng publiko ang mga viral na video. Gayunpaman, mahalagang tandaan na hindi lahat ng nakikita online ay nagpapakita ng kabuuan ng isang pangyayari. Sa kaso ng viral video ng pari sa Cainta, naging malinaw na may mas malalim na konteksto sa likod ng tila galit na pananalita ng alagad ng simbahan.
Isang pari sa Amlan, Negros Oriental ang humingi ng paumanhin matapos mag-viral ang isang video kung saan sinimulan niya ang misa ng kasal kahit hindi pa nakararating sa altar ang bride. Ayon sa bride na si Janice Seit Suelto-Sagario, nagsimula ang pari sa seremonya dahil sa pagka-late ng entourage. Naglabas ng public apology ang parish office at nakatakdang ikasal muli ang magkasintahan sa Hunyo 17, 2024.
Isang lalaki ang pumasok sa Lorenzo Ruiz Parish sa Barangay Tisa, Cebu City at ninakaw ang dalawang mikropono. Bago lumabas, nag-antanda pa siya ng krus sa harap ng altar. Dalawang beses nang ninakawan ang simbahan, ngunit hindi pa ito inirereklamo sa pulisya sa pag-asang maibabalik ang mga ninakaw.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh