Taxi driver sa cebu, hinoldap ng isang lalaking nag-"sorry" bago magnakaw

Taxi driver sa cebu, hinoldap ng isang lalaking nag-"sorry" bago magnakaw

- Hinoldap ng isang suspek ang isang taxi driver sa Talisay, Cebu at tinangay ang ₱1,500 na kinita nito sa pamamasada

- Nagawa pa ng suspek na humingi ng paumanhin sa biktima bago siya pagnakawan habang nakatutok ang baril

- Nangamba ang biktima para sa kanyang pamilya lalo na’t may maliliit pa siyang anak na umaasa sa kanya

- Tinutugis na ngayon ng mga awtoridad ang suspek na posibleng maharap sa kasong robbery

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Isang taxi driver mula sa Talisay, Cebu ang nabiktima ng isang tila kakaibang magnanakaw matapos itong humingi ng paumanhin bago siya pagnakawan.

Taxi driver sa Cebu, hinoldap ng isang lalaking nag-"sorry" bago magnakaw
Taxi driver sa Cebu, hinoldap ng isang lalaking nag-"sorry" bago magnakaw (📷Pexels)
Source: Facebook

Nakuhanan ng dashcam ng naturang taxi ang buong panghoholdap. Makikita sa footage na tinutukan ng baril ng suspek ang biktima at kinuha ang kanyang kinita sa pamamasada na umabot sa ₱1,500.

Sa salaysay ng biktima, nagawa pa raw ng suspek na mag-sorry sa kanya habang isinasagawa ang krimen. “Ibigay mo sa akin ang pera, bossing. Sorry, boss, pera lang ang akin kung ‘di mo gusto mamatay,” anang holdaper habang nakatutok ang baril.

Read also

DNA samples ng 3 suspek sa pagpatay sa Slovak sa Boracay, sinuri na

Takot at pangamba naman ang naramdaman ng biktima para sa kanyang pamilya, lalo na’t may maliliit pa siyang anak. “Di naman biro-biro yung baril, tinututok sa’yo eh. May mga anak ako, maliit pa,” pahayag ng taxi driver sa panayam ng media.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Bagama’t walang pisikal na nasaktan sa insidente, labis pa rin ang trauma na dinanas ng biktima dahil sa pangyayari. Sa ngayon, patuloy nang tinutugis ng mga awtoridad ang suspek na posibleng maharap sa kasong robbery. Pinag-aaralan na rin ng mga pulis ang dashcam footage upang matukoy ang pagkakakilanlan ng salarin at mapanagot ito sa batas.

Patuloy naman ang panawagan ng mga residente sa mas pinaigting na seguridad sa kanilang lugar upang maiwasan ang ganitong mga insidente sa hinaharap.

Sa panahon ng makabagong teknolohiya, mas mabilis na ngayon ang pagbabalita at pagresolba ng mga krimen dahil sa social media at iba pang digital tools. Ang mga CCTV, livestreaming, at mobile recordings ay nagbibigay ng agarang ebidensya na madaling maibahagi sa publiko at sa awtoridad. Dahil dito, mas mabilis natutukoy ang mga suspek at napapabilis ang imbestigasyon ng mga pulis. Sa tulong ng social media, ang mga balita tungkol sa krimen ay agad na kumakalat, na nagiging daan upang mas maraming tao ang makatulong sa paghahanap ng hustisya.

Read also

Maureen Larrazabal, inamin na nabulag ng dalawang taon dahil sa contact lens

Sa ibang ulat, isang guwardiya ang nakipagbarilan sa limang magnanakaw na nanloob sa isang tindahan ng prutas sa Barangay San Isidro, Makati City, na nagresulta sa pagkamatay ng lider ng mga suspek. Ayon sa ulat, naganap ang insidente madaling araw ng Miyerkules, kung saan mapapanood sa CCTV ang mga suspek na tila may kontrol sa lugar bago maganap ang barilan.

Samatala, sinailalim na sa DNA examination ang mga sample na nakuha mula sa tatlong suspek sa pagpatay sa Slovak national na si Michaela Mickova. Natukoy na ang pagkakakilanlan ng tatlong suspek matapos matagpuan ang bangkay ni Mickova noong Marso 12, 2025 sa isang abandonadong kapilya sa Boracay Island. Hinihintay pa ng mga awtoridad ang resulta ng pagsusuri upang magsampa ng kaukulang kaso laban sa mga suspek. Naniniwala ang pulisya sa lakas ng ebidensya laban sa mga suspek batay sa extrajudicial confession ng isa sa kanila.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

iiq_pixel