Pick-up truck driver, binaril ng isang pulis matapos nilang magkagitgitan
- Isang driver ng pickup truck ang binaril at napatay ng isang pulis matapos ang sagupaan sa kalsada sa Tandang Sora Avenue, Quezon City
- Nag-ugat ang insidente matapos magkagitgitan ang pickup truck at isang closed van na nauwi sa mainitang pagtatalo ng dalawang driver
- Bumaba ang driver ng van, sinuntok ang biktima, at saka ito sunud-sunod na binaril bago tumakas sa lugar
- Boluntaryong sumuko ang suspek sa Quezon City Police District Station 6 matapos ang insidente
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Isang trahedya ang naganap sa Tandang Sora Avenue, Barangay Old Balara, Quezon City nitong Huwebes ng gabi, Marso 21, 2025, matapos barilin at mapatay ang isang driver ng pickup truck kasunod ng minor na banggaan. Sugatan din ang kanyang 51-anyos na pasahero na ngayon ay nasa kritikal na kondisyon.

Source: Facebook
Ayon sa salaysay ng anak ng pasahero, patungo umano sila sa kanilang bahay sa Marilao, Bulacan mula Antipolo City, Rizal nang mangyari ang insidente. Nagkagitgitan umano ang kanilang pickup truck at isang closed van sa daan, dahilan upang mauwi ito sa mainitang pagtatalo ng dalawang driver.
“Nagkagitgitan po. Una po kasi kaming pumasok sa lane. Tapos ginitgit po kami na ito. Tapos iyong driver po namin, nagalit, ginitgit niya rin. Tapos umabante kami nang kaunti, tapos hinarang na po kami ng puting sasakyan,” ayon sa pasahero ng pickup truck.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Lumala ang sitwasyon nang bumaba ang driver ng van, sinuntok ang driver ng pickup truck, at sunud-sunod na pinaputukan ito. Agad na rumesponde ang mga awtoridad at isinugod sa ospital ang biktima ngunit idineklara itong dead on arrival. Nakarekober din ang mga imbestigador ng pitong basyo ng bala sa lugar ng insidente.
Kinilala ang suspek na isang pulis na kalaunan ay boluntaryong sumuko sa Quezon City Police District (QCPD) Station 6. Samantala, nanawagan ng hustisya ang pamilya ng biktima, na nagsabing hindi katanggap-tanggap na isang alagad ng batas ang gumawa ng karumal-dumal na krimen dahil lamang sa isang di pagkakaunawaan sa kalsada.
“Dapat po makulong. Pulis, gagawin iyong gano’n? Parang pumatay lang po siya ng hayop, manok e’. Pagbaril, sabay lakad lang, sakay, tapos alis,” pahayag ng pasahero na umaasa ng agarang aksyon mula sa mga awtoridad.
Sa panahon ng makabagong teknolohiya, mas mabilis na ngayon ang pagbabalita at pagresolba ng mga krimen dahil sa social media at iba pang digital tools. Ang mga CCTV, livestreaming, at mobile recordings ay nagbibigay ng agarang ebidensya na madaling maibahagi sa publiko at sa awtoridad. Dahil dito, mas mabilis natutukoy ang mga suspek at napapabilis ang imbestigasyon ng mga pulis. Sa tulong ng social media, ang mga balita tungkol sa krimen ay agad na kumakalat, na nagiging daan upang mas maraming tao ang makatulong sa paghahanap ng hustisya.
Sa ibang ulat, isang guwardiya ang nakipagbarilan sa limang magnanakaw na nanloob sa isang tindahan ng prutas sa Barangay San Isidro, Makati City, na nagresulta sa pagkamatay ng lider ng mga suspek. Ayon sa ulat, naganap ang insidente madaling araw ng Miyerkules, kung saan mapapanood sa CCTV ang mga suspek na tila may kontrol sa lugar bago maganap ang barilan.

Read also
Sarah Balabagan Sereno, sinagot si Arnold Clavio dahil sa komento tungkol sa "prayer rally"
Viral ang kwento ni Augusto Virgo kung saan bago siya nakilala sa kanyang lako, dati siyang snatcher at holdaper. 2014 pa nang siya ay magsimulang magtinda ng hotdog sandwich subalit kamakailan lamang siya nag-viral.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh