Pagsampa ng kaso sa suspek sa pagpaslang sa 17 anyos na aspiring model, hinahanda na

Pagsampa ng kaso sa suspek sa pagpaslang sa 17 anyos na aspiring model, hinahanda na

- Natagpuan ang mga buto ng 17-anyos na aspiring model na si Quinnie Grace Arong noong Hulyo 14, 2024, sa Barangay Apokon, Tagum City

- Kinumpirma ng ina ng biktima na suot ng kanyang anak ang mga personal na gamit na natagpuan sa lugar kung saan nadiskubre ang mga buto

- Ayon sa imbestigasyon, isang lalaking nagngangalang Jay ang huling nakitang kasama ni Arong para sa isang photo shoot noong 2020

- Patuloy ang Tagum police sa pagkalap ng ebidensya upang makakuha ng warrant of arrest laban sa pangunahing suspek sa krimen

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Inihahanda na ng mga pulis ang kaso laban sa suspek sa pagpatay sa 17-anyos na aspiring model na si Quinnie Grace Arong noong 2020 sa Tagum City, Davao del Norte.

Pagsampa ng kaso sa suspek sa pagpaslang sa 17 anyos na aspiring model, hinahanda na
Pagsampa ng kaso sa suspek sa pagpaslang sa 17 anyos na aspiring model, hinahanda na (Quinnie Grace A. Arong/Facebook)
Source: Facebook

Ayon kay Police Lt. Col. Wildemar Tiu, hepe ng Tagum City Police Office, natagpuan ang mga skeletal remains na pinaniniwalaang kay Arong noong Hulyo 14, 2024, sa Purok 5, Barangay Apokon, Tagum.

Read also

Labi ng 17-anyos na apat na taon nang nawawala, nahukay sa loob ng septic tank

Muling nabuksan ang kaso ni Arong matapos lumabas ang ulat tungkol sa isang ama-amahan na diumano’y pumatay sa kanyang stepdaughter sa kalapit na Panabo City, Davao del Norte.

Agad na nag-viral sa social media ang mga larawan at video ng pagkakadiskubre sa mga labi ni Arong matapos itong iulat ng mga lokal na balita.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ayon kay Tiu, mayroon na silang suspek sa kaso ngunit kinakailangan pa nilang makuha ang warrant of arrest matapos ang karagdagang pagsusuri sa DNA upang makumpirma na ang mga natagpuang labi ay kay Arong nga.

Nakaharap ang mga forensic experts sa hamon ng limitadong sample mula sa mga labi. Sa kasalukuyan, isinasagawa ang pagsusuri sa DNA sa Philippine National Police-Regional Crime Laboratory.

Kinumpirma ng ina ng biktima na ang ilan sa mga personal na gamit na narekober ay suot ng kanyang anak bago ito nawala.

Natagpuan ang mga labi ni Arong ng mga trabahador na naghuhukay para sa isang septic tank sa likod ng boarding house na inuupahan ng suspek noong 2020.

Read also

Lindsay Custodio, sinampahan ng cyber libel ng asawang si Frederick Cale

Sa isinagawang pagsisiyasat, napag-alaman na walang ibang nakatira sa naturang boarding house sa kasagsagan ng pandemya kundi isang lalaking kinilala lamang bilang "Jay."

Kinumpirma ng may-ari ng paupahan na ang lubid na natagpuan sa hukay ay mula sa kanilang laundry area, at ang tuwalya ay pag-aari ng suspek.

Ayon kay Tiu, lumabas sa imbestigasyon na isang photographer ang nagpakilala kay Jay, na siyang nanghikayat kay Arong sa isang modeling job sa Davao at Manila.

Ipinahayag din ng matalik na kaibigan ng biktima na huling nakita niya si Arong kasama si Jay para sa isang photo shoot.

Naniniwala ang mga pulis na maaaring ginahasa at brutal na pinaslang ang dalaga.

"Nanawagan kami sa suspek na sumuko na sa mga awtoridad. Alam namin kung sino ka at kung saan ka nagtatago," ani Tiu.

Sa panahon ng makabagong teknolohiya, mas mabilis na ngayon ang pagbabalita at pagresolba ng mga krimen dahil sa social media at iba pang digital tools. Ang mga CCTV, livestreaming, at mobile recordings ay nagbibigay ng agarang ebidensya na madaling maibahagi sa publiko at sa awtoridad. Dahil dito, mas mabilis natutukoy ang mga suspek at napapabilis ang imbestigasyon ng mga pulis. Sa tulong ng social media, ang mga balita tungkol sa krimen ay agad na kumakalat, na nagiging daan upang mas maraming tao ang makatulong sa paghahanap ng hustisya.

Read also

Heart Aquino, nilinaw na na-mental block lang daw siya kaya hindi masyadong nakasagot

Sa ibang ulat, isang guwardiya ang nakipagbarilan sa limang magnanakaw na nanloob sa isang tindahan ng prutas sa Barangay San Isidro, Makati City, na nagresulta sa pagkamatay ng lider ng mga suspek. Ayon sa ulat, naganap ang insidente madaling araw ng Miyerkules, kung saan mapapanood sa CCTV ang mga suspek na tila may kontrol sa lugar bago maganap ang barilan.

Viral ang kwento ni Augusto Virgo kung saan bago siya nakilala sa kanyang lako, dati siyang snatcher at holdaper. 2014 pa nang siya ay magsimulang magtinda ng hotdog sandwich subalit kamakailan lamang siya nag-viral. Marami umano ang nai-inspire kapag nalalaman ang kwento ng kanyang buhay .Isang lalaki ang natagpuang patay sa tabing-ilog matapos saksakin at gilitan ng isang 40-anyos na lalaki sa Barangay Catmondaan, Catmon, Cebu. Ayon sa ulat ng Brigada News FM Cebu noong Martes, Marso 4, 2025, matagal na umanong may alitan ang dalawa, na nauwi sa madugong insidente.

Read also

LTO enforcers sa viral video sa Bohol, sisibakin ayon sa Department of Transportation

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate