Bahagi ng bagong tulay sa Isabela, bumagsak; dump truck, posibleng sanhi ng insidente

Bahagi ng bagong tulay sa Isabela, bumagsak; dump truck, posibleng sanhi ng insidente

- Bumagsak ang bahagi ng Cabagan-Santa Maria Bridge sa Isabela nitong Pebrero 27 na nagresulta sa pagkasugat ng anim katao at pagkawala ng dalawang indibidwal

- Apat na sasakyan kabilang ang isang dump truck, dalawang SUV, at isang motorsiklo ang nahulog sa ilog matapos ang insidente

- Ininspeksyon na ng Municipal Engineering Office ang tulay habang ang DPWH-Region 2 ay magsasagawa ng masusing pagsusuri upang matukoy ang sanhi ng pagbagsak

- Napag-alamang ilang buwan pa lamang nagagamit ang tulay at hindi pa pormal na naipapasinaya bago ito bumagsak

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Bumagsak ang bahagi ng Cabagan-Santa Maria Bridge sa Barangay Casibarag Norte, Cabagan, Isabela nitong Huwebes ng gabi, Pebrero 27, na nagresulta sa pagkasira ng apat na dumaraang sasakyan at pagkasugat ng anim na katao, kabilang ang dalawang bata.

Bahagi ng bagong tulay sa Isabela, bumagsak; dump truck, posibleng sanhi ng insidente
Bahagi ng bagong tulay sa Isabela, bumagsak; dump truck, posibleng sanhi ng insidente (📷John-Cris Gazzingan Cabasag via GMA News)
Source: Facebook

Ayon kay Aljorey Eduard Bernaser, assistant LDRRM officer, bandang alas-8:10 ng gabi nang matanggap nila ang ulat tungkol sa insidente. Apat na sasakyan—isang dump truck, dalawang SUV, at isang motorsiklo—ang nahulog sa ilog sa ilalim ng tulay.

Read also

Braso ng tao, natagpuan sa loob ng nahuling pating sa Palawan

Ayon sa pulisya, nawawala pa rin ang driver ng dump truck na may kargang mga bato at ang kanyang assistant matapos bumagsak ang tulay. Sa ngayon, patuloy na nagsasagawa ng search and rescue operation ang mga awtoridad.

Samantala, ininspeksyon na ng Municipal Engineering Office ang lugar upang alamin ang sanhi ng pagbagsak ng tulay, habang ang DPWH-Region 2 ay magsasagawa ng masusing pagsusuri sa estruktura upang matiyak ang kaligtasan ng publiko.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Napag-alamang sinimulan ang konstruksyon ng P639-milyong tulay noong 2017 bilang alternatibo sa Cabagan-Santa Maria Overflow Bridge na hindi nagagamit kapag umaapaw ang Cagayan River. Bagama’t ilang buwan pa lamang itong nagagamit at hindi pa pormal na naipapasinaya, bumagsak na ito, na maaaring dulot ng depekto sa disenyo ayon sa isang Facebook post.

Dahil sa insidente, inabisuhan ang mga motorista na gumamit ng mga alternatibong ruta habang patuloy ang imbestigasyon sa tunay na dahilan ng pagbagsak ng tulay.

Read also

RB Chanco sa muling pag-makeup kay Kris: "The Kris we all love and miss is still here"

Sa panahon ng makabagong teknolohiya, mas mabilis na ngayon ang pagbabalita at pagresolba ng mga krimen dahil sa social media at iba pang digital tools. Ang mga CCTV, livestreaming, at mobile recordings ay nagbibigay ng agarang ebidensya na madaling maibahagi sa publiko at sa awtoridad. Dahil dito, mas mabilis natutukoy ang mga suspek at napapabilis ang imbestigasyon ng mga pulis. Sa tulong ng social media, ang mga balita tungkol sa krimen ay agad na kumakalat, na nagiging daan upang mas maraming tao ang makatulong sa paghahanap ng hustisya.

Sa ibang ulat, isang guwardiya ang nakipagbarilan sa limang magnanakaw na nanloob sa isang tindahan ng prutas sa Barangay San Isidro, Makati City, na nagresulta sa pagkamatay ng lider ng mga suspek. Ayon sa ulat, naganap ang insidente madaling araw ng Miyerkules, kung saan mapapanood sa CCTV ang mga suspek na tila may kontrol sa lugar bago maganap ang barilan.

Read also

Tour bus sa Thailand, naaksidente; 18 nasawi at 23 sugatan

Viral ang kwento ni Augusto Virgo kung saan bago siya nakilala sa kanyang lako, dati siyang snatcher at holdaper. 2014 pa nang siya ay magsimulang magtinda ng hotdog sandwich subalit kamakailan lamang siya nag-viral. Marami umano ang nai-inspire kapag nalalaman ang kwento ng kanyang buhay .

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate