Family driver, kasabwat diumano sa pagdukot sa 14-anyos sa Taguig

Family driver, kasabwat diumano sa pagdukot sa 14-anyos sa Taguig

- Kinumpirma ng Movement for Restoration of Peace and Order (MRPO) na ang family driver mismo ang naghatid sa 14-anyos na biktima sa kanyang mga kidnaper ayon sa imbestigasyon ng mga awtoridad

- Lumabas sa mga text messages na kasabwat ng mga kidnaper ang driver at siya rin ang nagsilbing tipster para maisagawa ang krimen

- Nagpadala ng mensahe ang biktima sa kanyang ama bago mawala na nagsasabing iba na ang direksyong tinatahak ng kanilang sasakyan pauwi sa kanilang bahay

- Pinatay pa rin ng mga kidnaper ang driver kahit kasabwat nila ito upang hindi siya makapagturo sa mga awtoridad

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Kinumpirma kahapon ng Movement for Restoration of Peace and Order (MRPO) na ang mismong family driver ng 14-anyos na biktima ang naghatid sa kanya sa kamay ng mga kidnaper, ayon sa ulat ng Pilipino Star Ngayon.

Family driver, kasabwat diumano sa pagdukot sa 14-anyos sa Taguig
Family driver, kasabwat diumano sa pagdukot sa 14-anyos sa Taguig (📷Pixels)
Source: Facebook

Ayon kay Teresita Ang-See, tagapagsalita ng MRPO, ang naturang driver ay isang buwan pa lamang nagtatrabaho sa pamilya ng biktima. Sa imbestigasyon, lumabas na siya ang nagsilbing tipster ng mga kidnaper.

Read also

Tour bus sa Thailand, naaksidente; 18 nasawi at 23 sugatan

Lumakas ang ebidensya laban sa driver matapos makuha ang mga text messages na nagpapakita ng kanyang sabwatan sa mga suspek. Bukod dito, nagpadala rin ng mensahe ang biktima sa kanyang ama bago mawala, sinasabing iba na ang direksyong tinatahak ng sasakyan pauwi sa kanilang bahay.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Pinaniniwalaan ni Ang-See na kahit kasabwat, pinatay pa rin ng mga kidnaper ang driver upang hindi ito makapagturo sa mga awtoridad.

Matatandaang Pebrero 20 nang dukutin ang biktima sa Taguig City, habang Pebrero 21 naman nang matagpuan ang bangkay ng driver na brutal na pinatay.

Ayon pa kay Ang-See, ito ang kauna-unahang insidente ng pagdukot sa isang menor de edad, dahil kadalasang mga may pagkakautang ang target ng ganitong krimen. Patuloy namang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang kaso upang mahuli ang mga nasa likod ng insidente.

Kinumpirma ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na ang family driver ng 14-anyos na Chinese na dinukot sa Taguig City ay kasabwat ng sindikato sa likod ng krimen.

Read also

14-anyos na Estudyante sa BGC, nakasama na ang kanyang mga magulang

Ayon kay Remulla, matapos mailigtas ang bata, agad na nagsagawa ng operasyon ang mga awtoridad upang mahuli ang lider ng sindikato. Ngunit, nakatakas ito bago pa dumating ang mga pulis sa kanilang hideout. “We were on a stakeout last night, somewhere in Central Luzon. Unfortunately, we weren’t able to corner him. He had escaped by the time we arrived,” aniya.

Sinabi rin ni Remulla na may sapat na impormasyon ang mga awtoridad upang matunton at mahuli ang nasabing lider. “But we will find him. We know who he is. We know where he hangs out. We have his numbers. We know his people. And we are almost certain that we will get him pretty soon,” dagdag pa niya.

Sa panahon ng makabagong teknolohiya, mas mabilis na ngayon ang pagbabalita at pagresolba ng mga krimen dahil sa social media at iba pang digital tools. Ang mga CCTV, livestreaming, at mobile recordings ay nagbibigay ng agarang ebidensya na madaling maibahagi sa publiko at sa awtoridad. Dahil dito, mas mabilis natutukoy ang mga suspek at napapabilis ang imbestigasyon ng mga pulis. Sa tulong ng social media, ang mga balita tungkol sa krimen ay agad na kumakalat, na nagiging daan upang mas maraming tao ang makatulong sa paghahanap ng hustisya.

Read also

Video ng pagligtas ng PNP, AFP at NCRPO sa 14-year-old Chinese kidnap victim, nilabas

Sa ibang ulat, isang guwardiya ang nakipagbarilan sa limang magnanakaw na nanloob sa isang tindahan ng prutas sa Barangay San Isidro, Makati City, na nagresulta sa pagkamatay ng lider ng mga suspek. Ayon sa ulat, naganap ang insidente madaling araw ng Miyerkules, kung saan mapapanood sa CCTV ang mga suspek na tila may kontrol sa lugar bago maganap ang barilan.

Viral ang kwento ni Augusto Virgo kung saan bago siya nakilala sa kanyang lako, dati siyang snatcher at holdaper. 2014 pa nang siya ay magsimulang magtinda ng hotdog sandwich subalit kamakailan lamang siya nag-viral. Marami umano ang nai-inspire kapag nalalaman ang kwento ng kanyang buhay .

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate