Toni Fowler, may paglilinaw tungkol sa nangyaring 'pambabastos' sa performance ng kasamahan

Toni Fowler, may paglilinaw tungkol sa nangyaring 'pambabastos' sa performance ng kasamahan

- Minabuti ni Toni Fowler na linawin ang tungkol sa nag-viral na video ng umano'y pambabastos sa performance ng isang kasamahan nila sa Barako Festival

- Nilinaw niyang ang isang kasama nilang si 'Pula' ay naagawan ng microphone habang nagpe-perform

- Akala ng mga nanonood ay bahagi ng ToRo family ang taong ito na umakyat sa stage at nang-agaw ng microphone at hindi nila alam kung bakit niya ito ginawa

- Proud naman daw sila sa kanilang kasamahang si Pula dahil maayos nitong na-handle ang pangyayari habang nasa entablado

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Matapos mag-viral ang isang insidente sa Barako Festival kung saan inagawan ng mikropono ang isang kasamahan nila sa ToRo family, minabuti ni Toni Fowler na linawin ang tunay na nangyari upang matigil ang mga espekulasyon.

Toni Fowler, may paglilinaw tungkol sa nangyaring 'pambabastos' sa performance ng kasamahan
Toni Fowler, may paglilinaw tungkol sa nangyaring 'pambabastos' sa performance ng kasamahan (📷Toni Fowler/Facebook)
Source: Facebook

Ayon kay Fowler, ang kanilang kasamahan na si Pula ang naging biktima ng insidente habang nagpe-perform sa entablado. Isang hindi kilalang lalaki ang biglang umakyat sa stage at inagaw ang mikropono mula kay Pula, na nagdulot ng kalituhan sa mga nanonood. “Akala ng iba, kasama namin siya, pero hindi namin siya kilala at hindi rin namin alam kung bakit niya ginawa iyon,” paliwanag ni Fowler.

Read also

Sam Milby, sinabing okay sila ni Catriona Gray kahit hiwalay na sila

Sa kabila ng aberya, ipinagmalaki ni Fowler ang propesyonalismo ni Pula, na kalmado at maayos na hinarap ang pangyayari. Matapos maagaw ang kanyang mikropono, binigyan siya ng panibago ngunit muling inagaw ito ng parehong lalaki, kaya’t kinailangan nang umakyat ng security. Bago tuluyang bumaba sa entablado, inihagis pa ng lalaki sa ere ang dalawang mikroponong inagaw niya.

Aminado si Fowler na masama ang loob niya sa nangyari at mariing itinanggi ang haka-hakang scripted ang insidente.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

ilinaw niya rin na hindi ito scripted dahil hindi niya raw gagawin na babastusin niya ang festival para lang pag-usapan at mag-viral.

Sa kabila ng hindi kanais-nais na insidente, ipinahayag ni Fowler ang kanyang pasasalamat sa mga sumuporta at nanindigan para sa kanilang grupo.

Si Toni Fowler ay isang kilalang content creator, YouTuber, at social media influencer sa Pilipinas na nakilala dahil sa kanyang matapang na personalidad at pagiging bukas sa kanyang mga karanasan at opinyon. Sumikat siya sa social media, lalo na sa YouTube, kung saan ibinabahagi niya ang kanyang pang-araw-araw na buhay, mga pagsubok, at mga opinyon sa iba’t ibang isyu.

Read also

Rendon Labador, nag-react matapos ipatattoo ng isang netizen ang kanyang mukha

Matatandaang idinaan ni Toni Fowler sa isang TikTok video ang biro tungkol sa pakikipag-break niya kamakailan kay Vince Flores. Sa kanyang binahaging TikTok video makikita si Toni na sumasayaw na kinalaunan ay sinabayan ni Vince. Matatandaang matapos ihayag ni Toni kamakailan ang paghihiwalay nila, marami sa kanilang fans ang nalungkot. Gayunpaman, hindi nagtagal at sinabi ni Vince na nagkaayos lang sila at dala lang ng pagbubuntis ni Toni ang mataas na emosyon nito.

Binahagi din ni Toni ang throwback pictures niya kasama sina Nash Aguas at Mika Dela Cruz. Ito ay upang batiin sila sa kanilang pagpapakasal nito lamang nagdaang Saturday, 18 May sa Tagaytay. Ani Toni, ang pictures nilang iyon ay noong panahong tuwang-tuwa sila sa kanya dahil si Toni ang nagtuturo ng dance steps nila sa guesting nila sa It's Showtime. Aminado din si Toni na dahil dito ay pakiramdam niya ay ang tanda niya na.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate