Magkaibigan, may kakaibang nagawa habang sila ay nagpa-parasailing

Magkaibigan, may kakaibang nagawa habang sila ay nagpa-parasailing

  • Viral ang video ng magkakaibigan na may kakaibang nagawa habang sila ay nagpa-parasailing
  • Imbis na mag-enjoy at ma-relax, tila nagkapareho ng nagawa ang dalawa sa tatlong magkakaibigan
  • Nagawa pang maghanap ng 'white flower' ng isa para umano pangontra sa hilo na tila naramdaman ng kaibigan
  • Ayon pa sa isa "busog" daw kasi sila kaya nangyari ito

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Tila hindi na malilimutan ng magkakaibigang ito ang kanilang parasailing experience dahil sa kakaibang nangyari sa kanila.

GMA Public Affairs/ Megan Alegre
Magkaibigan, may kakaibang nagawa habang sila ay nagpa-parasailing (GMA Public Affairs/ Megan Alegre)
Source: Facebook

Sa video na ibinahagi ng GMA Public Affairs mula kay Megan Alegre, makikita ang tatlong magkakaibigan na nagpa-parasailing.

Imbis na mag-enjoy at ma-relax, tila na-stress ang isa sa kanila at nagawang magsuka kahit sila ay nasa ere pa.

Dahil sa nangyari, sinubukan ng isa nilang kasama na sumenyas na bumalik na lamang ngunit hindi ito agad nasunod.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ang isa naman nilang kasama, nagawa pang maghanap ng 'white flower' para aniya mawala ang hilo ng kasama.

Read also

Whamos Cruz, pumalag sa bashers; pumayag magpa DNA test kasama ang anak

Subalit hindi nagtagal, ang isa pa nilang kasama ay nasuka na rin. "Busog kasi" ang nasabi ng isa kung bakit nangyari umano ito.

Samantala, tila naka-relate ang ilang netizens nang mapanood ang naturang video na umani ng samu't saring komento. Narito ang ilan sa kanilang mga naging komento:

"Akala ko ako lang. Na-experience ko kaya yan!"
"Baka nga naman kasi busog. Nahawa lang yung isa"
"Unforgettable experience niyo na yan!"
"Diyan nasusukat ang tunay na pagkakaibigan!"
"Na-experience ko na rin yan. Nakakahilo naman talaga. Buti nalang kinaya ko habang nasa taas"

Narito ang kabuuan ng video:

Kamakailan, kakaibang eksena rin ang nakunan ng CCTV kung saan nasapul ang pamamaril ng isang sekyu sa kanyang katrabaho. Sa video na ibinahagi ng Antipolo Police kay Christopher Sitson ng ABS-CBN News, makikitang tila isa lamang tipikal na araw sa trabaho nang biglang kumasa ng baril ang isang sekyu. Target pala nito ang kasamang papalit sa kanya na makailang beses niyang napaputukan ng baril.

Read also

Darryl Yap, binahagi ang picture ni Cristine Reyes na nag-ala Barbie Hsu

Sinasabing nagalit umano ang suspek sa biktima dahil late umano ito sa trabaho at sinasabing papalit sa kanyang pag-duty. Makikita rin na marami ang saksi sa naturang insidente subalit tanging ang biktima ang pinuntirya ng suspek. Matapos ang nagawa, kalmado pang nakapaglakad ang guwardiya papalayo sa kanyang biktima.

Samantala, matatandaang agaw eksena rin online ang sampaguita vendor na nag-viral dahil sa naging eksena umano nila ng isang security guard ng kilalang mall. Sa video, makikitang pinaaalis umano ng guwardiya ng mall ang sampaguita vendor na noo'y naka-uniporme nang biglang hablutin nito ang panindang sampaguita na nagawa rin nitong sirain. Dahil sa insidente, agana natanggal sa trabaho ang guwadiya habang ang vendor naman ay nakwestyon kung isa ba itong menor de edad at kung totoo nga ba siyang estudyante. Dahil dito, nahati ang simpatya ng publiko nang malamang 22-anyos na ito at ginagamit lamang ang uniporme noong siya ay nasa senior high school upang mas madaling maibenta ang paninda sa pag-aakala ng marami na siya ay menor de edad pa lamag at kailangang makauwi na umano ito kaagad.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica