Sekyu ng SM sa viral video, natanggal na umano sa trabaho

Sekyu ng SM sa viral video, natanggal na umano sa trabaho

- Natanggal na sa trabaho ang security guard sa viral video na kuha umano sa SM Megamall

- Sa inilabas na pahayag ng nasabing establisimiyento, bahagi rito ay aksyon na ginawa nila sa kanilang security guard

- Matatandaang kamakailan ay naging usap-usapan ang kumalat na viral video ng umano'y pagtataboy ng sekyu sa estudyanteng naglalako ng sampaguita

- Umani ng samu't saring reaksyon ang naturang video na ikinabahala ng marami

Na-dismiss na umano ang security guard sa viral video nito kung saan makikitang itinataboy niya 'di umano ang isang estudyanteng naglalako ng sampaguita.

SM viral
Sekyu ng SM sa viral video, natanggal na umano sa trabaho (Wikimedia Commons/ Mega Kapamilya)
Source: Facebook

Sa inilabas na official statement ng SM Megamall sa kumakalat na video, sinabing kinokondena nila ang nagawa sa dalagita.

"As SM Supermalls always promotes inclusivity for all, we strongly condemn this act committed against her."

Siniguro rin umano ng SM na hindi na makakapagbigay serbisyo ang sekyu sa anumang SM "malls."

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

We have called the attention of the security agency to conduct an immediate and thorough investigation. The Security Guard has been dismissed and will no longer be allowed to service any of our malls.

Read also

SM Megamall, inaksyunan ang nasa viral video ng sekyu at batang sampaguita vendor

Matatandaang mabilis na nag-viral ang video na ibinahagi rin ng Mega Kapamilya. Makikita ang sekyu na 'di umano'y pinaaalis ang batang naka-uniporme pa at may hawak ng sinasabing nilalako nitong sampaguita.Sa video na ibinahagi rin ng Mega Kapamilya, makikita ang sekyu na 'di umano'y pinaaalis ang batang naka-uniporme pa at may hawak ng sinasabing nilalako nitong sampaguita.

Tila nanlaban ang bata at pinaghahampas din ng makailang beses ang sekyu ng kanya umanong tinitinda.

Gayunpaman, makikita rin sa video na tila umamba ng sipa ang sekyu at sinira pa nito ang mga sampaguita. Ito umano ang inalmahan ng publiko.

Kamakailan, isang traffic enforcer ang umano'y tumilapon matapos na masagasaan ng isang SUV. Ayon sa driver, puyat laman daw siya kaya't tila sinasabing hindi sinasadya ang naturang insidente.

Samantala, isang security guard naman ang nagawang makipagbarilan sa limang magnanakaw. Binawian ng buhay ang lider ng grupo. Mapapanood sa CCTV ang mga suspek na tila may kontrol sa lugar bago maganap ang barilan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica