Xander Arizala, humingi ng tulong para sa pagpapaayos ng ngipin

Xander Arizala, humingi ng tulong para sa pagpapaayos ng ngipin

  • Humingi ng tulong si Xander Arizala sa social media para sa pagpapagamot ng kanyang mga ngipin
  • Ayon kay Xander, hindi niya kayang tustusan ang mga mahal na dental na prosedura tulad ng veneers at dental jackets
  • Inamin niyang naapektuhan ang kanyang tiwala sa sarili dahil sa kalagayan ng kanyang ngipin
  • Umaasa siya na may mga dentista o mabubuting tao na handang tumulong upang mapabuti ang kanyang oral health

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Nag-apela si Xander Arizala sa social media, para humingi ng tulong ukol sa pagpapaayos ng kanyang mga ngipin. Ayon sa kanya, hindi niya kayang tustusan ang mga mahal na procedure na kailangan upang ayusin ang kanyang ngipin.

Xander Arizala, humingi ng tulong para sa pagpapaayos ng ngipin
Xander Arizala, humingi ng tulong para sa pagpapaayos ng ngipin (Xander Arizala/Facebook)
Source: Facebook

Kamakailan lamang, nag-live session si Xander sa Facebook at humingi ng tulong mula sa mga netizens upang mai-konek siya sa isang dentista na handang tumulong ng libre. Inamin niyang malayo na sa kanyang kakayahan ang mga paggamot tulad ng veneers at dental jackets.

Read also

Karelasyon ni Rita Gaviola, pumalag sa espekulasyon sa dahilan ng kanilang isyu

Ibinahagi rin ni Xander ang kanyang pangamba na kahit magpunta pa siya sa iba’t ibang dentista, malabo siyang matanggap bilang pasyente. Ayon sa kanya, naniniwala siyang bumaba na ang kanyang kasikatan at hindi na siya kilala.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

“Kahit pumunta ako sa kahit saang dentist, alam ko na wala namang tatanggap sa akin. Siyempre, hindi naman ako sikat, hindi na ako kilala,” ani Xander.

Aminado siya na ang kalagayan ng kanyang mga ngipin ay nakaapekto na sa kanyang tiwala sa sarili at pang-araw-araw na pamumuhay.

“Inaamin ko na hindi ko talaga kaya ipagawa ‘tong ngipin ko. Sobrang mahal,” pahayag niya.

Umaasa si Xander na may mga taong may malasakit o mga dentista na handang tumulong upang matulungan siya. Hinimok niya ang mga nakakakilala ng mga dentista na maaaring tumulong sa kanya na magpadala ng mensahe.

Ang kanyang kahilingan ay nagdulot ng magkakaibang reaksyon mula sa mga netizens, may mga nagpakita ng suporta at may mga nagtanong kung tunay nga ang kanyang hiling na tulong. Sa kabila ng mga pagdududa, nananatili siyang umaasa na may mag-aabot ng tulong sa kanya.

Read also

Rita Gaviola, hiwalay na umano sa partner: "Nag-usap naman po kami para lang sa bata"

“Sana may mga tao diyan na kaya akong tulungan pagdating dito sa oral health ko. Baka may kilala kayong dentist, sana ma-PM n’yo po ako,” dagdag ni Xander.

Si Xander Arizala, isang Filipino internet personality at dating miyembro ng grupong Hasht5. Noong 2017, nag-viral si Marlou Arizala matapos siyang sumailalim sa ilang cosmetic surgery procedures upang baguhin ang kanyang itsura. Matapos ang mga operasyon, nagdesisyon siyang gamitin ang pangalang "Xander Ford."

Kamakailan ay naglabas ng saloobin si Xander sa kanyang Instagram stories. Kaugnay ito sa aniya'y mga taong kanyang inimbitahan sa binyag ng kanyang anak.

Matatandaang pinangalanan ni Xander si Merck bilang yung taong kanyang tinutukoy sa kanyang post. Aniya, pinangakuan umano siya nito kaya pinapabayaran niya ang P349K na umano ay pinangako nito sa kanya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: