Grab, inilabas ang resulta ng imbestigasyon sa akusasyon laban sa isa nilang driver

Grab, inilabas ang resulta ng imbestigasyon sa akusasyon laban sa isa nilang driver

Inilabas ng Grab Philippines ang resulta ng imbestigasyon sa reklamong harassment laban sa isang driver nito

Napatunayan ng imbestigasyon na walang-sala ang driver matapos suriin ang Audio Protect recording at kanyang performance history

Nakipagpulong ang Grab sa pamilya ng pasahero at sa driver upang ipaliwanag ang mga resulta ng imbestigasyon at tugunan ang mga isyu

Muling in-activate ang account ng driver at binayaran ang kanyang sweldo para sa mga araw na hindi siya nakapasada

Inihayag ng Grab Philippines ang resulta ng kanilang imbestigasyon kaugnay ng reklamo laban sa isang driver nito, na inakusahan ng pag-m*sturbte umano habang may sakay na dalawang estudyante sa kanyang sasakyan.

Grab, inilabas ang resulta ng imbestigasyon sa akusasyon laban sa isa nilang driver
Grab, inilabas ang resulta ng imbestigasyon sa akusasyon laban sa isa nilang driver (PHOTO: Pexels)
Source: Original

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa pahayag ng Grab nitong Lunes, Enero 27, sinabi ng kumpanya na napatunayan nilang walang-sala ang nasabing driver matapos suriin ang Audio Protect recording mula sa biyahe, pati na ang kanyang profile at performance history.

“After a comprehensive review of the Audio Protect recording from the trip, the driver-partner's profile, and performance history, we found no conclusive evidence to support the allegations or indicate any malicious intent,” ayon sa Grab.

Read also

Batikang aktres na si Gloria Romero, pumanaw na sa edad na 91

Grab, inilabas ang resulta ng imbestigasyon sa akusasyon laban sa isa nilang driver
Grab, inilabas ang resulta ng imbestigasyon sa akusasyon laban sa isa nilang driver (News5/Facebook)
Source: Facebook

Dagdag pa ng kumpanya, nakipagpulong sila sa pamilya ng pasahero at sa driver upang ipahayag ang resulta ng imbestigasyon. “We have met with the passenger's family and the driver-partner separately to share the findings of our investigation. During these discussions, we listened to their concerns and provided support on issues that required clarification. We deeply appreciate their willingness to engage constructively in resolving the matter,” anila.

Sa kasalukuyan, muling in-activate ng Grab ang account ng driver at binayaran na ang kanyang sweldo para sa mga araw na hindi siya nakapagtrabaho, alinsunod sa kanilang umiiral na standard operation procedure.

“We understand the challenges faced by both passengers and driver-partners in such situations and remain committed to ensuring fairness and understanding,” ayon pa sa Grab.

Tiniyak din ng kumpanya na patuloy nilang sisiguraduhin ang kaligtasan at respeto sa kanilang platform, kung saan mararamdaman ng parehong pasahero at driver na sila ay pinahahalagahan at ligtas.

Read also

Jewel Mische, nasa Pilipinas kasama ang kanyang pamilya: "Parang ayaw ko na bumalik ng America!"

Matatandaang nag-ugat ang isyu nang mag-post ang pasahero na isang estudyante tungkol sa umano'y bastos na inasal ng driver. Sinagot naman ito ng driver at pinaliwanag ang kanyang panig.

Naglabas ng pahayag sa Facebook ang driver kaugnay ng kontrobersiyang kinasangkutan niya. Sa kanyang post, pinasalamatan niya ang mga sumusuporta sa kanya at hiniling na huwag atakihin ang taong nag-akusa sa kanya habang umuusad ang imbestigasyon ng Grab Philippines.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate