Grab driver, nanawagan ng respeto sa nag-post ng reklamo laban sa kanya
- Nanawagan si Jerricho Narvaez, isang Grab driver, na huwag atakihin ang nag-post ng reklamo laban sa kanya habang iniimbestigahan ang isyu
- Kasalukuyang naka-temporary offline si Narvaez bilang bahagi ng safety procedures ng Grab habang umuusad ang imbestigasyon
- Ipinahayag niya ang pasasalamat sa suporta ng Grab Drivers Community at sa mga nagbigay ng mensahe ng suporta sa kanya
- Naniniwala si Narvaez na mapatutunayan ang kanyang pagiging inosente at umaasa siyang maibabalik ang kanyang Grab account at hanapbuhay
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Naglabas ng pahayag sa Faceboo\k ang driver kaugnay ng kontrobersiyang kinasangkutan niya matapos mag-viral ang isang post laban sa kanya. Sa kanyang post, pinasalamatan niya ang mga sumusuporta sa kanya at hiniling na huwag atakihin ang taong nag-akusa sa kanya habang umuusad ang imbestigasyon ng Grab Philippines.
Ayon kay Jerricho, kasalukuyan siyang naka-temporary offline status sa Grab bilang bahagi ng safety procedures ng kumpanya. Ipinaliwanag aniya ng Grab na ito ay upang matiyak ang maayos na pagproseso ng reklamo. Sinabi rin niya na kung mapapatunayang wala siyang kasalanan, agad na maibabalik ang kanyang account at kita.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
“Sa mga nakaraang araw ay marami pong nagmemessage sa akin upang magparating ng suporta. Salamat po,” ani Jerricho sa kanyang post. Binanggit niya rin ang suporta mula sa Grab Drivers Community, na nagbibigay sa kanya ng lakas sa gitna ng pagsubok.
Ngunit sa kabila ng kontrobersiya, isang mahalagang pakiusap ang kanyang inilabas: huwag sanang atakihin ang nag-post ng reklamo laban sa kanya. “Bilang tatay ay naiintindihan ko rin ang maaaring maramdaman ng kaniyang mga magulang sa naging reaksyon ng mga tao sa social media sa kanilang anak,” dagdag niya.
Nanindigan si Jerricho sa kanyang pagiging isang tapat na Grab driver at tiwalang mapatutunayan ang kanyang pagiging inosente. “Tayo po ay may kumpiyansa na mapapatunayan na totoo pong wala tayong ginawang mali at hindi nagkasala,” aniya.
Sa ngayon, hinihintay ang resulta ng imbestigasyon, at umaasa si Jerricho na muling maibalik ang kanyang hanapbuhay para sa kapakanan ng kanyang pamilya.
Matatandaang nag-ugat ang isyu nang mag-post ang pasahero na isang estudyante tungkol sa umano'y bastos na inasal ng driver. Sinagot naman ito ng driver at pinaliwanag ang kanyang panig.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh