Ama, sugatan matapos saksakin ng sariling anak sa Antipolo
- Sugatan ang isang ama matapos saksakin ng kaniyang anak sa Barangay San Isidro, Antipolo City
- Agad na inaresto ng mga awtoridad ang suspek at narekober ang ginamit na kutsilyo malapit sa pinangyarihan ng krimen
- Lumalabas sa imbestigasyon na nag-ugat ang insidente dahil sa mainit na ulo ng suspek matapos umano itong makipag-alitan sa lugar ng kaniyang asawa
- Patuloy ang imbestigasyon habang nagpapagaling ang biktima at nasa kustodiya ng Antipolo City Police Station ang suspek
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Sugatan ang isang ama matapos umanong saksakin ng kaniyang sariling anak sa Barangay San Isidro, Antipolo City, ayon sa ulat noong Enero 21, 2025.
Agad na inaresto ng mga awtoridad ang suspek na mismong anak ng biktima, at narekober rin ang kutsilyong ginamit sa krimen malapit sa pinangyarihan ng insidente.
Batay sa imbestigasyon, nag-ugat ang insidente matapos magpambuno ang mag-ama dahil umano sa pambubugbog ng ama sa kaniyang anak. Gayunpaman, itinanggi ito ng ilang kaanak ng suspek at sinabing naging biktima lamang ng init ng ulo ng anak ang ama.
“Mayroong kaalitan doon sa lugar ng asawa niya. Mainit ang ulo, sa tatay na ‘yung bunton ng sama ng loob kaya umabot sa ganoon siguro,” ani ng isang kaanak ng pamilya.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Kasalukuyang nagpapagaling ang biktima sa ospital habang nasa kustodiya ng Antipolo City Police Station ang suspek. Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang malaman ang buong detalye ng insidente.
Sa kasalukuyan, mabilis na kumakalat ang mga balita sa social media, na nagiging dahilan ng mabilis na pagpapalaganap ng impormasyon—maging ito man ay positibo o negatibo. Ang mga viral na balita ay kadalasang nagiging paksa ng usap-usapan, lalo na kapag may kasamang matinding emosyon o kontrobersiya.
Sa ibang balita, natakasan ng pasahero ang isang driver na naghatid mula sa Quezon City hanggang Pasay. Nagdahilan umano ito na susunduin lamang ang mag-ina ngunit hindi na ito bumalik.
Isang 21-anyos na taxi driver ang nasawi matapos saksakin ng dalawang magkapatid sa Baguio City matapos ang mainitang sagutan sa kalsada noong gabi ng Martes, Oktubre 1, 2024. Sa ulat ng GMA Integrated News, kinilala ang biktima na si Jhonsen Pelayo, na nasangkot sa insidente sa Asin Road.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh