Singaporean actor na na-scam ng ₱1.5 Milyon ng isang Pinay na nakilala sa dating app, nagpa-Tulfo
- Natangayan ng ₱1.5 milyon ang Singaporean actor na si Laurence Pang Kum Tong ng isang Pinay na nakilala niya sa dating app na "PinaLove"
- Gumamit ang suspek na si alyas "Mika" ng pekeng larawan na inedit gamit ang AI Photo Editor para mahulog ang loob ng aktor
- Hinihikayat umano si Laurence na mag-invest sa cryptocurrency sa isang online shopping mall na napag-alamang scam
- Agad na tumulong si Sen. Raffy Tulfo upang masampahan ng reklamo ang suspek sa PNP Anti-Cybercrime Group
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Aabot sa ₱1.5 milyon ang natangay mula sa Singaporean actor na si Laurence Pang Kum Tong matapos umano siyang mabiktima ng isang Pinay scammer na nakilala niya sa online dating application na “PinaLove.”
Sa programang Raffy Tulfo in Action (RTIA) noong Enero 16, personal na humingi ng tulong si Laurence kay Sen. Raffy Tulfo matapos mabiktima ng scam. Ayon sa aktor, gumamit ang suspek na si alyas "Mika" ng pekeng larawan ng isang magandang babae na inedit gamit ang AI Photo Editor para makuha ang kanyang loob.
Kwento pa ni Laurence, kalaunan ay hinikayat siya ni Mika na mag-invest sa cryptocurrency gamit ang isang online shopping mall. Pinasabik pa umano siya ng pangakong 10% na commission bilang reseller sa tuwing makakabenta ng produkto. Subalit nang makabenta na siya, hindi niya ma-withdraw ang perang kinita dahil diumano'y may mga "outstanding orders" mula sa mga pekeng customers.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Dito na napagtanto ng aktor na siya ay na-scam. Sinabi ni Sen. Tulfo na kahalintulad ang modus na ito sa mga panlolokong ginagawa ng mga illegal POGO hubs, na madalas na target ang mga dayuhang gaya ni Laurence.
Agad na tinawagan ni Sen. Tulfo si PLT. Wallen Mae Arancillo ng PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) para ipa-track ang suspek at ang iba pa nitong kasabwat. Sinigurado ni Tulfo na sasamahan ng kanyang team si Laurence sa Camp Crame upang pormal na maghain ng reklamo.
Bilang tulong, sagot ni Sen. Tulfo ang lahat ng pangangailangan ni Laurence, mula sa hotel accommodation, transportasyon, pagkain, hanggang pocket money. Lubos naman ang pasasalamat ng Singaporean actor sa ipinakitang malasakit ni Sen. Raffy Tulfo sa kanyang sitwasyon.
Patuloy ang imbestigasyon ng PNP-ACG upang madakip si alyas "Mika" at masupil ang ganitong uri ng panloloko sa internet.
Sa panahon ng makabagong teknolohiya, nagiging mas madali para sa marami ang makahanap ng bagong kakilala o karelasyon gamit ang iba't ibang online dating platforms. Ngunit kasabay ng pag-usbong ng ganitong mga apps at websites ay ang paglago rin ng mga mapanlinlang na modus operandi na bumibiktima ng mga taong naghahanap ng pagmamahal.
Sa naunang ulat isang French woman ang na-scam ng €830,000 – o tinatayang ₱50 milyon – ng isang scammer na gumamit ng AI-generated na mga larawan ni Brad Pitt.
Nagbabala ang aktres-komedyanteng si Rufa Mae Quinto sa kanyang mga tagahanga tungkol sa mga scammer na ginagamit ang kanyang pangalan upang manloko ng tao at manghingi ng pera. Sa pamamagitan ng Instagram Stories noong Sabado, Enero 18, ibinahagi niya ang usapan ng scammer at ng taong kilala niya.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh