Slovenian na umano'y pumaslang sa asawang Pinay, nagtext pa raw sa ama ng biktima para makiramay

Slovenian na umano'y pumaslang sa asawang Pinay, nagtext pa raw sa ama ng biktima para makiramay

- Hindi raw makapaniwala ang pamilya ni Marvil Facturan sa sinapit ng Pinay sa kamay ng kanyang asawang Slovenian

- Tatlong buwan daw itong nakitira sa kanila at wala naman daw silang nakitang masamang ugali nito

- Kwento pa ng ama ng biktima, nag-chat pa sa kanya ang mister ng anak para makiramay pero kinalaunan ay na block na rin siya ng Slovenian

- Inaasikaso na para maiuwi sa Pilipinas ang bangkay ng Pinay ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Lunes

Hindi makapaniwala ang pamilya ni Marvil Facturan sa sinapit ng Pinay sa kamay umano ng kanyang asawang Slovenian na si Mitja Kocjancic. Ayon sa mga kamag-anak, tatlong buwan nang nakitira ang banyaga sa kanilang tahanan at hindi naman nila nakita ang anumang masamang ugali nito.

Slovenian na umano'y pumaslang sa asawang Pinay, nagtext pa raw sa ama ng biktima para makiramay
Slovenian na umano'y pumaslang sa asawang Pinay, nagtext pa raw sa ama ng biktima para makiramay (GMA Integrated News/YouTube)
Source: Facebook

Sa pahayag ng ama ni Marvil sa GMA News, nagawa pa raw mag-text ng suspek sa kanya upang magpahayag ng pakikiramay matapos ang insidente. Gayunpaman, kalaunan ay bigla na siyang na-block nito, dahilan upang lalo silang maghinala.

Read also

Vilma Pila, lumapit sa RTIA para sa hustisya sa pagkamatay ng anak na si Marvil Facturan-Kocjančic

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), inaasikaso na ang repatriation ng mga labi ni Marvil mula sa Slovenia. “Possible within the week kasi nakuha na ang autopsy report. Pero hindi po guaranteed,” ayon kay DFA Undersecretary Eduardo De Vega.

Nasa bakasyon umano si Marvil at ang kanyang asawa noong Disyembre 29 sa Bled, Slovenia, nang mangyari ang karumal-dumal na krimen. Sa ulat ng pulisya, nagkaroon ng mainit na pagtatalo ang mag-asawa na humantong sa pananaksak sa biktima.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa imbestigasyon ng Philippine Embassy sa Vienna, sinabi ni Ambassador Evangelina Lourdes Bernas na nang dumating ang mga awtoridad sa apartment ng mag-asawa, wala nang buhay si Marvil. Naaresto naman ang suspek at kasalukuyang iniimbestigahan.

Kinondena ng Commission on Filipinos Overseas ang nangyari, na tinawag nilang isang malupit na halimbawa ng karahasan sa tahanan. “We stand in solidarity with Marvil's family, condemning acts of domestic violence, seeking justice for our kababayan,” pahayag ng komisyon.

Read also

Cristy kay Darryl Yap: "Ano ang motibo mo at sino ang producer mo?"

Tinutulungan din ng Philippine Honorary Consul sa Bratislava ang pamilya ni Marvil para mapabilis ang pagpapauwi ng kanyang mga labi at masigurado ang katarungan para sa biktima.

Ang trahedya ng pamilya Facturan-Kocjančič ay nananatiling isang paalala na mahalagang suriin ang kalagayan ng mental at emosyonal na katinuan sa anumang relasyon, lalo na sa mga kasalang may kinalaman sa mga dayuhan.

Sa naunang ulat ng KAMI, isang Pilipina umano ang pinatay ng kanyang Slovenian na asawa ilang araw lamang matapos ang Pasko. Kinondena ng Commission on Filipino Overseas (CFO) ang pagpaslang sa Pilipina.Ang biktima ay si Marvil Facturan-Kocjančič, 27 taong gulang. Sinasabing nagbabakasyon ang mag-asawa sa resort town ng Bled noong Disyembre 29.

Isang video na nagpapakita sa Slovenian na suspek at sa kanyang asawang Pilipina habang masayang nag-eenjoy sa kanilang road trip bago umano niya ito bugbugin hanggang sa mamatay ang naging usap-usapan online.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate