Babaeng nagsasampay lang, patay matapos maararo ng dump truck ang kanilang bahay

Babaeng nagsasampay lang, patay matapos maararo ng dump truck ang kanilang bahay

- Patay ang isang babaeng nagsasampay matapos maararo ng dump truck sa Barangay Mandug, Davao City

- Nawalan ng kontrol ang dump truck sa kurbadang bahagi ng Callawa-Mandug Road at binangga ang isa pang truck

- Rumagasa ang pangalawang truck sa bahay ng biktima na si Christine Guman na agad na binawian ng buhay

- Hawak na ng Mandug Police ang driver ng truck habang iniimbestigahan ang insidente

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Patay ang isang babae matapos maararo ng dump truck na nawalan ng kontrol at sumalpok sa kanilang bahay sa Barangay Mandug, Davao City nitong Sabado, Disyembre 7.

Babaeng nagsasampay lang, patay matapos maararo ng dump truck ang kanilang bahay
Babaeng nagsasampay lang, patay matapos maararo ng dump truck ang kanilang bahay
Source: Facebook

Kinilala ang biktima bilang si Christine Guman, na nagsasampay lamang nang maganap ang insidente. Sa lakas ng impact, agad na binawian ng buhay si Guman.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ayon sa Mandug Police, nawalan ng kontrol ang isang dump truck habang dumadaan sa kurbadang bahagi ng Callawa-Mandug Road. Bumangga ito sa isa pang dump truck sa unahan, na siyang rumagasa patungo sa bahay ng biktima.

Read also

Sweet photos nina Mergene Maranan at Jose Manalo, umani ng pagbati mula sa netizens

Nasa kustodiya na ng Mandug Police ang driver ng dump truck habang patuloy ang imbestigasyon sa insidente.

Ang mga vehicular accident ay isa sa mga pangunahing sanhi ng pagkamatay at pinsala sa buong mundo. Sa Pilipinas, kadalasang nagaganap ang mga aksidente sa mga lansangan dulot ng overspeeding, pagmamaneho nang lasing, o kapabayaan sa pagmamaneho.

Ang mga road condition tulad ng madulas na kalsada at mahirap na kurbada ay nagdadagdag din sa panganib. Bukod dito, ang kakulangan sa maintenance ng sasakyan, tulad ng preno at gulong, ay maaaring magdulot ng malalang aksidente. Sa kabila ng mga umiiral na batas sa trapiko at road safety campaign, nananatiling hamon ang disiplina sa kalsada at responsableng pagmamaneho upang maiwasan ang trahedya.

Matatandaang binahagi ni Dr. Krizzle Luna o mas kilalang “Doc Luna” ang kanyang pasasalamat sa mga mensahe at dasal para sa kanya matapos siyang maaksidente. Hindi daw niya maigalaw ang kanyang katawan ngunit nagagalaw naman umano niya kahit papaano ang kanyang kamay.

Read also

Ivana Alawi, napaluha ang ilang delivery riders sa bigay niyang maagang pamasko

Nasangkot din sa isang vehicular accident noong Mayo 14 2023, si Gigi De Lana at ang kanyang bandang The Gigi Vibes. Nangyari ang aksidente habang sila ay naglalakbay mula sa 'Sulong Aurora Event' patungo sa 'Himala sa Buhangin Event' sa Ilocos Norte.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate