Isa sa apat na akusado sa karumal-dumal na pamumugot sa security guard, sumuko na

Isa sa apat na akusado sa karumal-dumal na pamumugot sa security guard, sumuko na

- Sumuko na sa mga awtoridad ang isa sa apat na akusado sa kaso ng pagpatay sa isang security guard sa Quezon City noong Disyembre ng nakaraang taon

- Isinilbi sa suspek ang warrant of arrest para sa mga kasong robbery with h0micide at paglabag sa New Anti-Carnapping Act

- Natuklasan sa imbestigasyon ng QCPD na pagnanakaw ang motibo ng krimen dahil may nawawalang pera sa establisimyento

- Nananatiling nagtatago ang tatlo pang akusado habang nakakulong sa Kamuning Police Station ang sumukong suspek

Isa sa apat na suspek na sangkot sa brutal na pagpatay sa isang security guard sa Quezon City noong Disyembre ang sumuko na sa mga awtoridad. Sa ulat ni James Agustin para sa Unang Balita nitong Huwebes, isinilbi sa suspek ang warrant of arrest para sa mga kasong robbery with h0micide at paglabag sa New Anti-Carnapping Act matapos niyang kusang loob na sumuko.

Read also

Rita Daniela, sinampahan ng reklamo si Archie Alemania sa di-umano'y pambabastos

Isa sa apat na akusado sa karumal-dumal na pamumugot sa security guard, sumuko na
Isa sa apat na akusado sa karumal-dumal na pamumugot sa security guard, sumuko na
Source: Facebook

Ayon sa imbestigasyon ng Quezon City Police District (QCPD), natuklasan na pagnanakaw ang motibo sa likod ng krimen dahil may nawawalang pera sa establisimyento kung saan naganap ang insidente. Sa ngayon, patuloy pang pinaghahanap ang tatlo pang akusado.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ayon kay Police Major Don Don Llapitan, hepe ng QCPD CIDU, nagtago ang suspek sa kanyang probinsya sa Bicol sa loob ng sampung buwan bago ito natunton at nagpasya nang sumuko. May isa pang warrant of arrest ang suspek para sa kasong qualified theft na inisyu ng korte sa Bacolod City noong Hulyo 2019, na agad ding isinilbi sa kanya. Siya ngayon ay nakakulong sa Kamuning Police Station at tumangging magbigay ng anumang pahayag.

Sa ibang balita,isang 18-anyos na babae ang natagpuang patay sa kanyang inuupahang bahay sa Lungsod ng Baguio.Batay sa ulat ng GMA, natagpuan siyang walang saplot - Nakita rin na may saksak sa kanyang leeg nang madiskubre ang kanyang bangkay. Ayon sa ulat ni CJ Torida ng GMA Regional TV One North Central Luzon, isang kaibigan ng biktima ang nag-alala nang hindi ito sumasagot sa mga tawag, kaya’t napagpasyahan niyang tingnan ang kalagayan ng biktima.

Read also

DOJ, nagsampa ng kaso laban sa independent contractors na sina Jojo Nones at Richard Cruz

Ang mga larawan mula sa burol ni Mae Fatima Tagactac, ang Grade 12 student na natagpuang patay sa isang lodging house, ay ibinahagi sa social media. Ibinahagi ang mga larawan ng Brigada News FM Toledo. Sa mga larawan, makikita ang kanyang ama na nagluluksa sa pagkamatay ng kanyang anak. Ang suspek sa pagpatay sa dalaga ay nananatiling malaya at hindi pa nahuhuli.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate